Thursday, January 20, 2011

DENR-EMB HINIKAYAT ANG MGA PAARALAN NA SUMALI SA 2011 NAT’L COMPETITION FOR SUSTAINABLE AND ECO-FRIENDLY SCHOOLS

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (January 20) –  Maaaari na ngayong magsumite ng mga lahok ang sinumang paaralan sa bansa na nais lumahok sa pambansang kumpetisyon para sa kapaligiran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa taong 2011.

Tinaguriang 2011 National Competition for Sustainable and Eco-Friendly Schools, ang pambansang kumpetisyon na ito ay may temang ”Sustainable and Eco-Friendly Initiatives” kung saan layon nitong itampok ang mga nagawa at kasalukuyang ginagawa ng mga mag-aaral, guro at tagapamahala ng institusyon kaugnay ng pagpapahalaga sa kapaligiran.

”Ayon kay EMB Assistant Director Gilbert Gonzales naorganisa ang kumpetisyong ito upang hikayatin pa ang mga paaralan na aktibong makilahok sa mga isyung pangkalikasan sa praktikal at lokal na lebel.

Ang 2011 National Competition for Sustainable and Eco-Friendly Schools ay naisakatuparan ng DENR sa tulong  ng Environmental Management Bureau (EMB), Department of Education (DepEd), C ommission on Higher Education (CHED) at SMART Communications.

Bukas ang nasabing kumpetisyon sa lahat na lebel ng mga paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo.

Ang mga paaralang nais sumali ay dapat na magsumite ng tatlong kopya ng mga dokumentasyon ng kanilang proyekto at programang pangkalikasan na ipinatupad o kasalukuyang ipinatutupad.

Ang mga lahok ng elementarya at sekondarya ay dapat na ipasa sa pinakamalapit na Deped Division Office at habang sa EMB Regional Offices naman para sa kolehiyo.

Nakatakda sa April 29, 2011 ang huling araw sa pagsumite ng mga lahok.

Ang paraan ng pagpili ay naaayon sa mga sumusunod na criteria: Environ mental-related aspects of the school’s policy – 20pts, environmental friendly school operations and presence of environmental programs – 30pts, environment-related features of the school curriculum – 30pts, presence of vibrant eco-organizations in campus – 10pts, at presence of partners and linkages in environment programs/projects – 10pts na may kabuuang isangdaang puntos.

Para sa karagdagang detalye, maaaring maglog-on sa kanialng website www.emb.gov.ph o sa pinakamalapit na tanggapan ng EMB. (Renee Rose Teodoro & Lucky Pura, PIA Sorsogon)

No comments: