Monday, January 17, 2011

PRESYO NG BILIHIN APEKTADO NG SAMA NG PANAHON

SORSOGON  CITY - Dahil parin  sa patuloy  na sama ng panahon s a probinsiya , apti  presyo ng  mga pangun ahing bilihin, naapektuhan narin.

Base sa monitoring na isinasagawa  ng Bureau of Agriculture Statistics  sa pamumuno  ni Market  Reporter G. Timbas, noong martes sa Sorsogon Public Market, mangilan-ngilang produkto na ang tumaas ang presyo tula d ng  cooking oil na ngayon ay P26-27  na  bawat bote. Mas mababa  ng dalawa hanggang tatlong piso kumpara nang nakaraang taon. Ayon dito, asahan parin ang patuloy  na pagtaas ng nasambit na produkto dahil sa mahal na presyon ng kopra na pinagmumulan ng langis.

Samantala, mataas na din ang presyon ng asukal na umabot  na sa P 56  para sa pulang asukal at P66 naman para sa puting asukal.

Ayon anamn kay Department of Trade and Industry Head Consumer for Welfare Division Evelyn Paguio, mababa ang produksyon at suplay ng mga isda at gulay kaya  maging mga mamimili ay apektado.

Gayunpaman , hindi  gumagalaw ang presyon ng mga de lata  tulad ng sardinas. Gayundin ang akpe, gatas at harina.

Patuloy  na minomonitor ng Bureau of Agriculture at DTI  ang presyon ng mga bilihin para narin sa mga  mamimili.

No comments: