SORSOGON PROVINCE – Pinag-aaralan ngayon dito sa lungsod ng Sorsogon ang mga iminumungkahing climate change adaptation initiatives ng Cities and Climate Change Initiative project team ng United Nations Habitat.
Isa sa mga iminumungkahi nito ay ang adaptation sa panig ng transportasyon sa pamamagitan ng paggamit ng Electronic-tricycles sa halip na 2-stroke tricycles dito sa lungsod dahilan sa walang carbon emission ang mga makina ng electronic vehicles dagdag pa ang katipiran nito pagdating sa maintenance.
Ayon kay Malou de Guzman, consultant ng UN Habitat, unti-unti na ring pini-phase out ang paggamit ng 2-stroke engines sa buong mundo kung kaya’t dapat na mapag-aralan na ng mga taga-lungsod ang paggamit ng mga e-tricycles at iba pang electronic vehicles.
Maliban sa mga e-vehicles ay iminungkahi din nila sa Issue Working Group ng City Disaster Risk Reduction Management Office ang pagpalit sa mga ginagamit na street lights mula sa incandescent bulbs na gagawing compact fluorescent lamp (CFL) patungo sa light-emitting diode (LED) dahilan sa wala itong mercury emission kumpara sa CFL.
Matatandaang ang Sorsogon City ay pinalad na maging isa sa apat na lungsod sa buong mundo na piniling maging pilot project ng UN Habitat sa iallim ng Millenium Development Goals – F 1656: Strengthening the Philippines’ Institutional Capacity to Adapt to Climate Change, isang MDG Achievement Fund project na pinondohan ng pamahalaang Espanya.
No comments:
Post a Comment