Monday, January 17, 2011

Office of The Provincial Agriculture patuloy na binabantayan ang agricultural products ng Sorsogon


Sa  pamumuno ni Provincial Head Emergency Response Officer Engr. Geronimo Divina, patuloy na isinasagawa ng Office the Provincial Agriculture ditto sa Sorsogon ang pag inspeksyon sa ,ga  pananim na  nasira ng walang tigil na pag-ulan.
Ayon kay Assistant Provincial Agriculturist Teresita Destura naunang inispeksyon ng nasambit na departamento ang ikalawang distrito kung saan kabilang ang Prieto Diaz, Gubat , Barcelona, Bulan at Juban.
Sinabi ni Destura na wala pang mailalabas na mga detalyadong impormasyon ng mga nasirang pananim dahil kinakailanagan pa ng berepekasyon mula sa municipal agriculture officers. Subalit tiniyak nito na higit na apektado sa lahat ang mga sakahan ng kung saa n kilala ang probinsiya na pangunahing pinagkukunan at takapag-angkat ng semilya ng palay.
Tiniyak parin niya na magbibigay ng tulong  and D.A. kapag lumipas  na ang tag-ulan na  sanhi ng La Nina  sa mga  apektadong lugar.
Nais maipaabot ni Destura ang kanayang mensahe particular na sa mga magsasaka na hindi sila pababayaan ng departamento at agad na ipaabot sa Provincial Government ang kinakailangang alalay at tulong  na ilalaan.


No comments:

Post a Comment