Ang Sorsogon Provincial Risk Reduction Management Office ay patuloy sa pagmomonitor sa kasalukuyang kalagayan ng Sorsogon. Batay na rin sa ulat ng PAGASA ang probinsya ay dumaranas at makakaranas ng pag-ulan upang ang mahigpit at malawak na koordinasyon sa lahat na MDRRC ay isinasagawa.
Makalipas ang malakas ng pag-ulan sa syudad ng Sorsogon dalawang munisipyto sa se gundo distrito ang malubhang naapektuhan: ang bayan ng Bulan at Juban.
Sa bayan ng Bulan naapektuhan ang barangay: San Francisco, San Isidro, Obrero, Managanaga, San Vicente, Gati at Garumata, may 77 pamilya ang kabuuan na naapektuhan.
Samantala, sa bayan ng Juban naapektuhan din ang barangay: Aroroy, Cogon, Sipaya, Katanagan, Garuya at Binanwahan na may naitalang 64 na pamilya ang lumikas pansamantala sa kanilang mga barangay at ito ay pinangunahan ng Barangay Disaster Risk Reduction Program at local go vernment unit .
Kahapon si Gob. Raul R. Lee ay naglibot sa mga bayan na naapektuhan ng pagbaha at landslides at nagb igay ng relief goods sa mga naapektuhang bayan. Mahigpit din niyang pinaalalahanan na maging mapaghanda ang mamamayan na kusang lumikas at huwag ng maghintay kung nakikita nilang dahil sa panahon ay may nakaambang panganib .Aniya dapat sila ang magbantay sa sarili nila at gawin ang nararapat. Ang pamahalaan ay nakahanda na sila ay bigyang tulong.
No comments:
Post a Comment