Tagalog News Release
Sorsogon City, (PIA) – Pinakawalan na rin kahapon ang dolphin na nakuha sa Matnog, Sorsogon matapos na masuri at malapatan ito ng lunas ng mga tauhan ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna ni provincial veterinarian Dr. Enrique Espiritu.
Ayon kay Espiritu, linggo, February 6, nang makita ang dolphin na pinaglalaruan sa baybayin malapit sa may pier site ng Matnog, Sorsogon. Agad aniya silang tinawagan ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources region 5 at iniskedyul kahapon ang pagsusuri sa dolphin.
Sa ginawang pagsusuri, napag-alamang buntis ang dolphin na may bigat na 250 – 300 kilos at may mga sugat ito sa katawan.
Ayon kay Espiritu isinailalim din nila sa blood at stool analysis ang dolphin at kumuha din ng sample mula sa sugat nito upang masuri din.
Matapos bigyan ng bitamina at tuluyang manumbalik ang lakas ng dolphin ay agad na rin nila itong ibinalik sa laot. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment