Friday, February 25, 2011

Tagalog News Release


TESDA Sorsogon, magbubukas ng mga short term courses para sa OSY at mga walang trabaho
By: Francisco Tumalad Jr.
       
Sorsogon City, (PIA) – Nakatakdang magbukas ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Sorsogon ng mga kursong masonry, construction, painting, driving at non-food processing.

Sa programang Sararo Sarabay ng Sorsogon City, sinabi ni program anchor Agnes Caballero na naisakatuparan ang nasabing TESDA training course sa ilalim ng Learning Resource Development Program ni Sorsogon City mayor Leovic Dioneda bilang tulong sa mga kabataang walang trabaho at mga out-of-school youth nang sa gayon ay matulungan silang makapag-hanapbuhay matapos matuto sa mga gagawing pagsasanay.

Sinabi pa ni Caballero na magandang oportunidad ito sa mga Sorsoganon na nais magkahanap agad ng trabaho subalit walang gaanong kakayahang tustusan ang ilang taong kurso sa kolehiyo.

Maaari diumanong makipag-ugnayan ang mga interesadong aplikante sa City Planning and Development Office mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kinakailangan lamang aniyang magdala ang mga ito ng kaukulang mga rekisitos tulad ng kopya ng birth certificate, brgy. certification, sedula, apat na kopya ng 1x1 o passport size ID picture na may puting background at may kuwelyong damit.

Ang skills training ay bukas lamang sa mga residente ng lungsod.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng lungsod kung magbubukas din ng kahalintulad na skills training para sa mga empleyadong nais matuto ng iba pang mga kasanayan. (PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment