Thursday, February 10, 2011

TURISMO DAPAT NA PALAKASIN AT SUPORTAHAN LALO NA NG TRASPORT SECTOR


Tagalog News Release

Sorsogon City, (PIA) – Malaki ang nagiging ambag ng turismo sa ekonomiya ng isang lugar kung kaya’t dapat na palakasinat suportahan ang turismo partikular ng mga nasa transport sector.

Ito ang naging pahayag ni Sorsogon City Information Officer Manny Daep sa regular na programa ng lungsod, ang Sararo Sarabay.

Aniya, pumapangatlo ang Sorsogon City sa mga syudad na malimit puntahan ng mga turista sa rehiyon ng bikol.Pumapangalawa dito ang Legazpi City habang nangunguna naman ang Naga City.

Ibinigay na halimbawa ni Daep ang Palawan kung saan malaki ang nagiging paghanga ng mga turista dito hindi lamang dahilan sa magagandang tourist spots dito kundi maging sa hospitality na ipinapakita ng mga mamamayan at transport group doon, dahilan upang balik-balikan ito ng mga turista, banyaga man o lokal.

Dapat aniyang tandaan ng mga Sorsoganon na isa sa hinahangaan ng mga turista ay ang pagiging magalang ng mga lokal na residente lalong lalo na sa sektor ng transportasyon. Dapat din aniyang alisin ang pananamantala lalo na sa pagsingil ng pamasahe at magabayan ng tama ang mga ito upang hindi sila madala sa pagbisita sa Sorsogon. (Jun Tumalad, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment