Thursday, March 10, 2011

Bulkang Bulusan nananatiling tahimik, Phivolcs patuloy ang babala

Tagalog News Release

Mt. Bulusan nananatiling tahimik
Sorsogon City, March 9, (PIA) – Sa nakalipas na dalawampu’t-apat na oras, nananatiling tahimik ang Mt. Bulusan at patuloy pa ring natatakpan ng makapal na ulap ang tuktok nito kung kaya’t ayon sa Phivolcs ay hindi madaling ma-obserbahan ang anumang lumalabas o sumisingaw mula sa bibig nito.

Batay din sa mga na-obserbahan ng Phivolcs sa paligid ng bulkan simula nitong nakaraang Sabado, Marsch 5, wala ding gaanong pagbabago sa naging aktibidad nito simula noong nakaraang Enero 25 hanggang 29, hanggang sa malakas na pag-aalburuto nito noong Pebrero 21, 2011.

At dahil din sa direksyon ng hangin kung kaya’t patuloy na pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga residenteng nakatira malapit sa paanan ng bulkan, lalo na ang nasa bahaging hilaga-kanluran at timog-kanluran nito, na patuloy na mag-ingat sa posibleng ash falls.

Patuloy din ang paalala sa mga nakatira malapit sa mga lambak at mga ilog na patuloy na mag-ingat sa posibleng pagragasa ng lahar sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

Nananatiling nasa alert level 1 status ang mga lugar sa paligid ng Bulkang Bulusan bunsod ng patuloy na aktibidad nito. (Ni: BARecebido/VLbalan, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment