Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, March 25 (PIA) – Kasalukuyang nagsasagawa ngayong araw ng isang press conference ang Provincial Health Office sa pakikipagtulungan nito sa Department of Health – Center for Health and Development sa Paradise Resort, Sorsogon City.
Layon nitong matulungan ng local media ang Kagawaran ng Kalusugan ukol sa muling pagpapaalala sa publiko ng tamang kaalaman at katotohanan ukol sa tigdas.
Ayon kay Provincial health officer Dr. Edgar Garcia, ang pagpapaigting ng kampanya ay bahagi pa rin ng commitment ng Pilipinas na mapababa kung di man tuluyang mawala ang kaso ng tigdas sa taong 2012. Ang taong 2012 ang napagkasunduang target year ng mga bansang nasa Western Pacific region.
Matatandaang nakapagsagawa na ang bansa ng tatlong matatagumpay na nationwide campaign ukol dito sa n akalipas na mga taon. Subalit ang taunang routine measles coverage ay hindi pa tuluyang nakakaabot sa kinukunsiderang pinaka-grassroots ng komunidad at may ilan ding mga lugar na hindi pa naaabot ng coverage ng kampanya sa tigdas.
Ayon kay Garcia, ito ang dahilan kung bakit may mga naiuulat pa ring mga outbreak sa mga huling kwater ng 2003 hanggang 2010 sa kabila ng kampanya ng DOH.
Inihayag din ni Garcia na upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus at posibilidad ng pagkakaroon ng outbreak ng tigdas, nakatakda silang magsagawa ng Measles-Rubella Special Immunization Activity o pagbabakuna sa loob ng isang buwan simula April 4 hanggang May 4, 2011 para sa mga batang may edad siyam hanggang siyamnapu’t-limang buwan.
Nanawagan din siya sa mga magulang na maging responsible sa kalusugan ng kanilang mga anak lalo na ang kanilang mga sanggol at pabakunahan ito sa panahong itinakda nila. Hinikayat din niya ang mga ito na npalagiang bumisita sa mga rural health centers sa kani-kanilang mga lugar. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment