Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, March 31 (PIA) – Inamin ni Bureau of Internal Revenue (BIR) District Officer Thelma Pulhin na bumaba ang tax collection nila sa unang dalawang buwan ng taong 2011 kung ikukumpara nila noong nkaraang taon.
Ayon kay Pulhin, ang P2M na kulang nila ngayon kumpara noong nakaraang taon ay sanhi ng mababang tax remittance advice ng iba’t-ibang mga ahensya ng pamahalaan at ng mga Local Government Units (LGUs) lalo’t matapos ang eleksyon noong 2010 ay naging madalang o halos ay wala nang naging mga projects ang mga ito.
Malaking factor aniya ang pagkakaroon ng mga government projects sa tax collection efficiency dahilan sa value added tax na ipinapataw dito. Aniya sa bawat proyekto nakakauha ang BIR ng 2% mula sa sales of services at 1% naman mula sa sales of goods.
Sinabi din ni Pulhin na maliban sa kawalan ngayon ng mga proyekto ng pamahalaan, ay may ilan ding mga national government line agencies na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakpagremit ng buwis sa kanila dahilan diumano sa wala pang pondong ibinibigay ang Department of Budget and Management (DBM).
Subalit nilinaw ni Pulhin na na bumagsak man ang koleksyon ay sumobra pa rin ang koleksyon sa itinakdang target ng BIR national office.
Maayos pa rin naman diumano ang koleksyon lalo na sa mga individual at business remittances at malaki ang naitulong nito upang makamit ang itinakdang target tax collection ng Sorsogon, hindi nga lang nito mapantayan ang naging koleksyon noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga mga buwis na kinokolekta ng BIR ay ang Income Tax, Value-Added Tax, Percentage Tax at Excise Tax. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment