Monday, April 4, 2011

Kindergarten sakop sa implementasyon ng K-12


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, March 31 (PIA) – Sinabi ni Department of Education Sorsogon Division Superintendent Marilyn Dimaano na sakop ng programang K-12 ang mga mag-aaral na papasok sa kindergarten ngayong taon.

Sinabi ni Dimaano na dapat na sumailalim sa summer pre-school class sa loob ng walong linggo ang mga mga batang edad anim na taon subalit hindi pa nakatuntong ng kindergarten.

Paliwanag niya na ang summer class ay bahagi ng school readiness assistance program ng DepEd na may layuning maihanda ang mga batang mag-aaral sa kanilang pagpasok sa grade one.

Sinabi din nin Dimaano na  sa ilalim pa rin ng K-12 program madadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa hayskul kung saan tatawaging junior high school ang mga mag-aaral mula sa first year hanggang fourth year habang senior high school naman ang mga mag-aaral na isasailalim sa dagdag na kurikulum.

Nilinaw niyang ginawa ng DepEd ang hakbang na ito upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. (PIA Sorsogon).

No comments:

Post a Comment