By: Francisco B. Tumalad Jr.
Sorsogon City, May 19 (PIA) – Malaking perwisyo ang iniwan ng nagdaang bagyong Bebeng sa lalawigan ng Sorsogon hindi lamang sa mga pananim, sakahan at alagang hayop kundi maging sa mga pampublikong imprastrasktura na kinakailangang maisaayos agad.
Sa ipinalabas na Infra Assessment Damage Report ng Department of Public Works and Highways – Sorsogon 2 District Engineering Office (DPWH-S2DEO), naperwisyo ang bahagi ng kalsada ng Daan Maharlika sa Brgy. Casini sa bayan ng Irosin, Sorsogon kung saan nakapagtala ng 6.60m high eroded shoulder doon.
Nasira din ang konkretong lakaran at rip-rap sa Juban-Magallanes road na matatagpuan sa Brgy. Binanuahan, Juban at bumagsak naman ang 6.0 high road shoulder ng Maharlika Highway sa Brgy. Jagusara sa Juban, habang ang 2.5 metrong road shoulder sa Brgy. Lajong, Juban, Sorsogon ay naperwisyo at bumagsak din.
Ayon pa sa ulat ng DPWH-S2DEO, nasira rin ang Binanuahan River Control sa Brgy. Binanuahan, Juban kung saan inanod ng napakalakas na agos ang dike doon.
Sa bayan ng Bulan ay nakapagtala din ng ilang mga infrastructure damage sa Gate-Bulan airport road kung saan bumagsak ang 1.7 metrong taas ng road shoulder sa Brgy. San Isidro, 1.80 metrong taas ng road shoulder sa Brgy. Fabrica at 2.5 metrong taas ng road shoulder sa Brgy Pawa.
Dagdag pa ni DE Alamar na bago pa man dumating ang bagyong Bebeng sa lalawigan ay binigyan na nya ng deriktiba si DPWH Maintenance Section Chief Engr. Jose Gigantone na ihanda ang mga tauhan nito para sa mga gagawing clearing operation sa mga pambansang lansangan na sakop ng ikalawang distrito.
Nagsasagawa na rin si DE Alamar ng malawakang pag-aaral para sa pagsasaayos sa lalong madaling panahon ng mga pampublikong imprastrakturang nasira ng bagyong bebeng. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment