Tuesday, June 14, 2011

CBDRM Training isasagawa sa Matnog, Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, June 14 (PIA) – Magsasagawa ng Community Based Disaster Risk Management (CBDRM) Training ang Sorsogon Provincial Disaster Risk Management Office (SPDRMO) simula bukas Hunyo 15 hanggang sa Miyerkules, Hunyo 17 sa anim na mga barangay sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Inaasahang dadalo sa gaganaping pagsasanay ang mahigit sa limampu’t pitong kalahok na kinabibilangan ng mga Punong Barangay at kasapi ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council mula sa Brgy. Laboy, Sisigon, Hidhid, Pange, Bolo at Tabunan.

Layunin ng pagsasanay na magabayan ang anim na mga barangay upang makatugon sa R.A. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na makabuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan o Contingency Plan at makapag-organisa ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee na may mga kinatawan mula sa sektor ng mga kabataan.

Sinabi ni Jose Lopez, SPDRMO OIC Head na sa pangkalahatan, ang Sorsogon ay isang multi-hazard na lalawigan kung kaya’t sakop ng naturang CBDRM Training ang lahat ng mga munisipalidad nito. 

Aniya, isasagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Federation of Associations for Communities and Children’s Empowerment (FACE) Incorporated at Banaag nin Sarong Grupo bilang bahagi ng pagtugon sa malawakang usapin ukol sa pagpapa-baba ng epekto ng kalamidad. 

Matatandaang una nang nagsagawa ng CBDRM ang SPDRMO sa pakikipagtulungan ng FACE para sa anim na mga barangay sa unang distrito ng Sorsogon City noong nakaraang buwan ng Pebrero ngayong taon. (PIA Sorsogon)


No comments:

Post a Comment