Wednesday, June 8, 2011

Donsol 4P’s beneficiaries nagsasagawa ng clean up drive sa kani-kanilang barangay


Ni: Irma A. Guhit

Sorsogon City, June 8 (PIA) – Sa ibinigay na ulat ni Augusto Arevalo, focal person ng Donsol sa pagpapatupad ng Solid Waste Management Program, sinabi niya na isa sa maikokonsidera nilang success story sa pagpapatupad ng SWM ay ang pagsasagawa ng mga 4P’s beneficiaries sa bayan ng Donsol ng kusang paglilinis, paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagpapatupad ng kalinisan sa kani-kanilang barangay.

Ayon sa kanya, labis na ikinatuwa ni Mayor Jerome Alcantara ang kusang-loob na pagsasagawa ng mga 4P’s beneficiaries ng mga hakbang na makakatulong sa pagpapatupad ng SWM program.

Sa bawat barangay na may 4P’s beneficiaries nagkaroon ng pag-organisa ng cleanliness partners ang Municipal Social Welfare Department at ito ay ipinalaganap sa lahat na barangay sa kanilang bayan.

Ipinaliwanag din Arevalo sa mga kasapi ng provincial Solid Waste Management Board (PSWMB) na kung saan ang Donsol ang host municipality ng ikalawang Quarterly Meeting.

Ipinakita din ni Arevalo sa pamamagitan ng video-footage ang mga isinagwang clean-up drive ng mga 4Ps beneficiaries.

Sinabi pa ni Arevalo na gustong patunayan ng mga 4Ps beneficiaries na hindi sayang ang tulong na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan at gusto nilang patunayan na ang bayan ng Donsol bilang isang tourism destination sa buong Pilipinas ay maikokonsodera na isang malinis at maayos na lugar ng turismo. (PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment