Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, June 29 (PIA) – Patuloy pa rin ngayon ang kampanya ng pamahalaan ng Pilipinas upang maibilang ang Puerto Prinsesa Underground River sa New Seven Wonders of Nature (PPUR-N7WN).
Ang malawakang kampanya ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan na mapalago ang turismo sa bansa na isa rin sa mga adyenda ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Matatandaang kamakailan ay ipinalabas ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation No. 182 na nagdedeklara ng national at international promotion campaign sa tulong na rin ng PIA, tri-media at mga lokal na pamahalaan upang iboto ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa Seven Wonders of Nature.
Isa ang PIA sa mga kasapi ng PPUR-N7WN Campaign Task Force na nagsusulong upang pukawin ang pagkamakabayan ng halos ay 30 milyong mga Pilipinong gumagamit ng internet at 77 milyong Pilipinong gumagamit ng mobile phones sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na suportahan ang nasabing kampanya.
Upang bomoto, dapat na sundin lamang ang mga sumusunod:
1. Para sa TEXT VOTING – i-text ang PPUR at ipdala sa 6851
2. Para sa INTERNET VOTING – mag-LOG IN sa www.new7wonders.com at sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Step 1 – Piliin ang pitong kandidatong nais mo
Step 2 – Mag-register
Step 3 – Kumpirmahin ang iyong e-mail link
Step 4 – Kumpirmahin ang iyong boto
Step 5 – makikitang kumpirmado na ang iyong boto
3. Pagboto sa pamamagitan ng Telepono:
a. i-dial ang isa sa mga sumusunod na international telephone numbers:
+23 92201055
+1 869 760 5990
+1 649 339 8080
+44 758 900 1290
b. Sa bandang huli ng iyong mensahe, matapos marinig ang dial tone,
i-dial ang 7723, ang four digit code ng PPUR
i-dial ang 7723, ang four digit code ng PPUR
c. kapag narinig na ang mensahe ng pasasalamat, nangangahulugan itong tapos na ang ginawa mong pagboto sa telepono.
Sa tala ng N7WN website noong May 26, 2011, ang PPUR ay kabilang na sa Top 5 at umaasang sa tulong ng mga mamayan sa pamamagitan ng pagboto dito ay maibibilang ito sa New 7 Wonders of Nature na idideklara sa November 11, 2011. (PIA Sorsogon)
Sa tala ng N7WN website noong May 26, 2011, ang PPUR ay kabilang na sa Top 5 at umaasang sa tulong ng mga mamayan sa pamamagitan ng pagboto dito ay maibibilang ito sa New 7 Wonders of Nature na idideklara sa November 11, 2011. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment