Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, September 6 (PIA) – Labis-labis ang naging pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Prieto Diaz at ng mga nasasakupan nito matapos na pasinayaan ang dalawang Barangay Health Stations (BHS) sa kanilang bayan noong nakaraang linggo.
Naging bisita sa pasinaya sa Dr. Anthony Faraon, ang operation head ng Zuellig Family Foundation.
Ayon kay Prieto Diaz Municipal Mayor Jocelyn Lelis, malaki ang pasalamat ng kanyang tanggapan pati na rin ni Prieto Diaz Vice Mayor Alex Destura at ng Sangguniang Bayan, kasama na ang pamunuan ng Municipal Health Office at mga Punong Barangay sa kanilang bayan sa Zuellig Family Foundation (ZFF) dahilan sa tulong nito upang maisakatuparan ang dalawang biyayang ito para sa kalusugan ng mga taga-Prieto Diaz.
Sinabi ni Mayor Lelis na ang dalawang Barangay Health Stations na naitayo sa loob ng mahigit isang taong panunungkulan ng mga hahal na opisyal ng kanilang bayan ang siyang magpapatibay pa ng samahan at pagtutulungan ng lahat ng mga kinauukulan sa Prieto Diaz upang higit pang maisaayos at maitaas ang uri ng serbisyong pangkalusugan na ibinibigay para sa kanilang mga mamamayan.
Aniya, ang BHS na itinayo sa Brgy. Maningcay de Oro ay maglilingkod sa mga kabarangay nito, at maging sa mga kabarangay ng Brillante, Diamante, Perlas at Tupas. Habang ang BHS na itinayo sa Brgy. Ulag ay para naman sa mga kabaranagy nito at ng Carayat, Sn Fernando, Calao, Sta Lourdes, Bulawan, San isidro at San Rafael. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment