Thursday, September 1, 2011

Kasanggayahan Festival 2011 pinaghahandaan na


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, September 1 (PIA) – Isang buwan na lamang mula ngayon ay ipagdiriwang ng lalawigan ng Sorsogon ang Kasanggayahan Festival para sa taong 2011.

Ang kasanggayahan festival ang official festival ng Sorsogon at nagsisilbing kalipunan ng lahat ng mga festival sa labing-apat na munisipalidad at isang lungsod ng lalawigan na tumatampok sa kasaysayan, kultura at kabuhayan ng mga Sorsoganon.

Kaugnay nito, unti-unti nang napaplantsa ang mga makukulay at masasayang aktibidad na gagawin sa pangunguna ng isang pribadong organisasyon, ang Sorsoganon Kita, Inc. (SKI) na pinamumunuan ni Michael B. Sulit.

Ang SKI ang binigyang kapangyarihan ngayong taon na pamunuan ang Kasanggayahan Festival 2011 ng Kasanggayahan Foundation, Inc. na pinamumunuan naman ni Msgr. Francisco P. Monje, ang vicar general ng Diocese of Sorsogon at kura paroko ng St. Anthony de Padua sa parokya ng Gubat, Sorsogon.

Kabilang sa mga dapat abangan ay ang iba’t-ibang mga socio-civic at cultural activities tulad ng Search for Ms. Kasanggayahan, Pantomina sa Tinampo, Mardi Gras, Drum and Lyre competition, at marami pang iba.

Ipagdiriwang ngayong taon ng Sorsogon ang ika-isangdaan at labingpitong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lalawigan.  (PIA Sorsogon)




No comments:

Post a Comment