Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, Oktubre 18 (PIA) – Dinumog ng mga manonood at nagbigay ng malaking kasiyahan sa mga ito ang sunud-sunod na mga aktibidad ng Kasanggayahan Festival mula noong Linggo hanggang kahapon.
(Photo by: BARecebido/PIA Sorsogon) |
Kabilang sa mga ito ang Sorsogon State College ng Sorsogon City, Central Bicol State University of Agriculture ng Pili, Camarines Sur, Camarines Sur Polytechnic Colleges ng Nabua, Naga College Foundation ng Naga City at Partido State University ng Goa, Camarines Sur.
Hinusgahan ang mga kalahok base sa street parade exhibition at sa ginawa nilang exhibition sa Balogo Sports Complex na ginawa ng mga ito sa loob ng pito hanggang sampung minuto.
Nakuha ng University of Saint Anthony ang Best in Marching Majorette Award sa puntos na 92.97% kung saan tinanggap nito ang limang libong cash prize award at trophy habang napili namang Best in Marching Band and Naga College Foundation sa puntos na 94.43% at nakatanggap din ito ng limanglibong piso at trophy.
Sa Best Regional Band, napili ang Naga College Foundation sa Naga City bilang 3rd place. Labinlimang libong piso at trophy ang napanalunan nito habang naging 2nd place naman ang Central Bicol State University of Agriculture ng Pili, Camarines Sur na nakatanggap ng dalawampu’t limang libong piso at trophy. Naging 1st place naman ang University of St. Anthony ng Iriga City kung saan limampung libong piso at trophy ang napanalunan nito.
Ang bawat kalahok ay binigyan ng Plaque of Appreciation at nakatanggap din ang mga ito ng subsidyong sampung libong piso.
(Photo by: BARecebido/PIA Sorsogon) |
Samantala, nagbigay din kakaibang excitement sa mga Sorsoganon at bisita dito ang ginawang Skydiving Demonstration ng Philippine Air Force. Sa taas na limanglibong talampakan, isa-isang tumalon ang anim na mga skydivers na nagpahanga sa mga manonood nito.
(Photo by: BARecebido/PIA Sorsogon) |
Pumili din ng Best Float at Best Street Dance kung saan sa Best Float ay nakuha ng Barcelona ang 2nd place at Donsol naman ang nakakuha ng First Place. Sa kategorya naman ng Best Street Dance, nakuha ng Castilla ang 3rd place, 2nd place ang Pilar at Sorsogon City ang nakakuha ng 1st place.
(Photo by: BARecebido/PIA Sorsogon) |
No comments:
Post a Comment