Monday, October 10, 2011

Mt. Bulusan patuloy ang pabago-bagong kondisyon


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, October 10 (PIA) – Aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na talagang pabago-bago ang kondisyon ng Bulkang Bulusan hanggang sa ngayon.

Kaugnay nito, patuloy na nakaalerto ang Phivolcs sa pagsubaybay sa mga galaw ng bulkan at sa mga kaganapan sa paligid nito.

Ilang mga eksperto din ang nakatakdang dumating sa Sorsogon upang pag-aralan ang abnormal na kondisyon ng Mt. Bulusan at upang mapaghandaan din ang anumang panganib o epektong maaaring idulot ng patuloy na abnormalidad nito.

Sa kasalukuyan, ilang mga pagyanig pa rin ang naitatala sa paligid ng Bulkang Bulusan at patuloy pa rin ang steaming activity sa bunganga nito kung kaya’t hidi pa rin inaalis ng Phivolcs ang Alert Level 1 status ng Mt. Bulusan.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga aktibidad sa itinalagang 4-km Permanent Danger Zone. (PIA Sorsogon)




No comments:

Post a Comment