Wednesday, November 9, 2011

Sistemang ‘Read and Bill’ ipinatutupad na ng SORECO II


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Nobyembre 9 (PIA) – Patuloy nang ipinatutupad ngayon ng Sorsogon II Electric Cooperative (SORECO II) ang sistemang ‘Read and Bill’ sa ilalim ng kanilang modernization at computerization program.

Sa ipinalabas na notice ng SORECO II, sinabi ng pamunuan nito na sa ilalim ng sistemang ito, malalaman na agad ng mga kunsumidor ang kanilang konsumo sa araw ng pagbasa ng kunsumo sa kanilang electric meters sa pamamagitan ng ibibigay sa kanilang tape receipt.

Ang tape receipt na nagsisilbing statement of account ng kunsumidor ay agad nang ibibigay ng meter reader na babayaran naman ng kunsumidor sa loob ng itinakdang panahon ng kooperatiba.

Wala na ring kapangyarihang mangolekta ng bayad mula sa mga konsumidor ang bill collecting agent kundi direkta na itong babayaran ng mga kunsumidor sa kanilang tanggapan kung kaya’t maiiwasan na rin ang mga reklamong tulad ng hindi nakaabot sa tanggapan ng Soreco II ang kanilang ibinayad.

Sa kasalukuyan ay walang nakikitang depekto sa ipinatutupad na bagong sistema at mas nagugustuhan na rin ito ngayon ng mga kunsumidor. (PIA Sorsogon)




No comments:

Post a Comment