Ni: FB Tumalad
Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 2 – Muling namahagi ng Kabuhayan Starter Kit ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Sorsogon City nitong Lunes, Nobyembre 28, 2011 sa Sorsogon City Hall.
Sa pangunguna ni Sorsogon City Mayor Leovic R. Dioneda, City Public Employment Services Office (PESO) Officer Henry Guemo, ilang mga kawani ng City PESO at kinatawan ng DOLE Sorsogon na sina Marilyn Luzuriaga at Jing Macpal, naipamahagi ang mga kagamitang nagkakahalaga ng mahigit sa P304,000 na kinabibilangan ng mga Carpentry tools, Massage Equipment, Barber Kit, Welding Machine, Cooking Equipment at ipang mga makina.
Sinabi ni Macpal na umabot sa 30 katao ang napabilang at dumaan sa masusing ebalwasyon at balidasyon ng kanilang tanggapan at ng City PESO bago ito nakasama sa programa at nabigyan ng Pangkabuhayan Pre-Starter Kit.
Sa kasunduan, ang City PESO ang susubaybay sa aktibidad ng mga nabigyan ng libreng kagamitan upang malaman kung ginagamit nga ito sa pagpapaangat ng buhay ng mga benepisyaryo. Sinabi pa Macpal na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagbebenta at pagsangla ng grant na starter kit. Maaari din umanong ipa-arkila ang mga ito kung sakaling wala silang trabaho subalit hanggat maari ay maiingatan itong hindi mawala sa kanila.
Sakali namang aalis na sa kanilang lugar ang benipisyaryo ay kinakailangang mai-turn over ito sa DOLE upang mahanapan ng panibagong magiging benepisyaryo ng naturang gamit.
Mayroon ding kasunduan o Memorandum of Agreement ang LGU at benipisyaryo na kinakailanagang mag-impok ng pera ang mga ito upang mapaghandaan ang pagbili ng bagong kagamitan sakaling masira na ang pangunang tulong na binigay sa kanila.
Malaki naman ang naging kasiyahan ng nga bakatanggap ng benepisyo at sinabing hindi na umano nila kailangan pang mangarap para lamang magkaroon ng sariling kagamitan.
Tiniyak din ng mga benipisyaryo na pangangalagaan at iingatan nila ang mga kagamitan upang mai-angat ang kanilang buhay, kumita para sa kanilang pamilya, umunlad at maging produktibong mamamayan.(bar, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment