Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 1, 2011 – Upang mabigyan ng mas mataas na kaalaman ang walumpu’t-pitong sekretarya ng barangay mula sa iba’t-ibang mga barangay sa lungsod ng Sorsogon, isinailalim ang mga ito sa isang pagsasanay nang sa gayon ay mas maging malinaw sa kanila ang kanilang mga trabaho at papel na ginagampanan partikular sa sistema ng Katarungang Pambarangay.
Ang nasabing capacity building enhancement training ay pinangunahan at pinondohan ng ng Philippine Center for Civic Education and Democracy (PCCED) sa ilalim ng Agencia Espanola de Cooperacion International para el Desarollo (AECID).
Ayon kay Dr. Librada Esplana, regional coordinator of PCEED, pangunahing layunin ng aktibidad na mabigyan ng kakukulang kasanayan at kaalaman ang mga barangay secretary ukol sa tamang pagdodokumento ng ga reklamo at negosasyon sa barangay at paghahanda ng mga papeles na kakailanganin para sa mga legal na hakbang at matuto din ng tamang karakter at pamamaraan sa pagsusulong ng kapayapaan at hustisya sa kanilang mga komunidad.
Matatandaang makailang ulit na ring nagsasagawa ng mga serye ng aktibidad ang PCEED sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan at kapabilidad ng mga mamamyan sa Sorsogon sa ilalim ng kanilang Project Citizen Program.
Ang nasabing pagsasanay para sa mga barangay at lupon secretary ay kabilang din sa Barangay Rule of Law Program na naglalayong mabigyan ng kapasidad ang mga opisyal ng barangay ukol sa epektibong pagpapatupad ng katarungan sa barangay.
Naging tagapagsalita sa capacity building enhancement training si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sorsogon City Director Roque de los Santos. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment