Ni: Bennie A. Recebido
Lungsod ng Sorsogon, Pebrero 23 (PIA) – Sa pangunguna ng 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army na pinamumunuan ni Col. Felix Castro, Jr. kasama ng World Wildlife Fund (WWF) at Parasirang Donsolanon Biryong Aagapay sa Kauswagan (PADABAKA), isang mangrove planting activity ang isinasagawa ngayong araw sa Brgy. Vinisitahan, Donsol, Sorsogon.
Sa pakikipag-ugnayan ni 903rd Infantry Brigade Civil Military Officer Major Wally Querubin sa tanggapan ng PIA Sorsogon, sinabi nitong aabot sa limang libong mga propagules o mga bakawang pananim ang nakatakdang itanim sa Brgy. Vinisitahan.
Mahigit din umano sa limangdaang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang mga government at non-governemnt organization, local tri-media outlet at mga residente sa barangay ang makikiisa at lalahok.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na suporta sa ipinatutupad na National Greening Program sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III at kontribusyon na rin sa pagbibigay proteksyon at pangangalaga sa kalikasan.
Ayon kay Querubin, isa ang pagtatanim ng mga bakawan sa mga paraan ng pagmamantini ng coastal resource management ng lugar at pagpapataas pa ng kamalayan ng publiko at mga residente sa paghahanda sa anumang panganib dala ng pagbabago ng panahon at mga kalamidad tulad ng bagyo, tidal wave, storm surge, at iba pa. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment