Ni: Francisco B. Tumalad, Jr.
Lungsod ng Sorsogon, Pebrero 24 (PIA) – Nagdulot ng ibayong kasiyahan sa mga espesyal na mga mag-aaral ng Sorsogon East Central School ang isinagawang libreng medical mission at pamamahagi ng mga kagamitan sa pag-aaral ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) Sorsogon Provincial Office noong Miyerkules.
Ayon kay Philhealth Chief Health Insurance Officer Alfredo Jubilo namahagi sila ng mga school supplies, projector screen, libreng bitamina, medical check-up at pagpapakain sa siyamnapung mga mag-aaral ng Special Education Sorsogon East Central School na kinabibilangan ng mga mentally challenged, visually impared at hearing impaired.
Ayon kay Jubilo na siyang bumuo ng konsepto, kauna-unahang pagkakataon ito na nagbigay sila ng serbisyo sa mga batang may mga espesyal na pangangailan kung saan nakita nilang sa kabila ng mga kakulangan nito ay nagsusumikap pa ring maiangat ang kanilang mga buhay.
Sinabi rin ni Jubilo na ang aktibidad na ginawa nila ay pakikibahagi sa programang pangkalusugan ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng administrasyong Aquino upang mapataas ang moralidad ng mga Pilipino, may kapansanan man o wala. (FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment