Friday, March 2, 2012

DPWH-S1DEO kalahating porsyento nang naipatupad ang mga proyektong sinimulan noong 2011


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Marso 2 (PIA) – Mula sa isangdaang posyentong kabuuang pondong naibigay sa Department of Public Works and Highways Sorsogon 1st District Engineering Office (DPWH-S1DEO) kaugnay ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura, 51.83 porsyento na nito ang aktwal na naipatupad ng tanggapan noong nakaraang taon 2011.

Ito ang inihayag ni DPWH Sorsogon 1st District Engineer Romeo Doloiras sa ipinalabas nilang ulat kamakailan. Kaugnay nito, mas marami pa umanong pondo ang ibinigay sa ngayon para sa 1st District Engineering Office.

Aniya, sa regular infra Php13.729-M ang ibinigay na alokasyon, Php20.537 sa preventive maintenance, Php138.765-M para sa DPWH lumpsum at Php194,000 para sa water supply sewerage at iba pang mga imprastruktura para sa istratehikong turismo.

Naglaan din ng pondong nagkakahalaga ng Php68.500-M para sa iba pang mga imprastruktura at proyektong ipapatupad ng S1-DEO, Php1.5-M para sa maintenance at iba pang mga gastusin sa operasyon; Php4.349-M para sa DepEd School Building program at Php70-M sa paggamit ng mga behikulo.

May alokasyon din mula sa Congressional Fund na nagkakahalaga ng Php21.050-M at Php3.350-M mula sa Partylist bilang Priority Assistance Fund.

Tiniyak naman ni Doloiras na maipatutupad ng kanyang tanggapan ang mga proyekto kung saan nakalaan ang mga pondong ito lalo na’t nais din ng kanilang tanggapan na mapakinabangan na rin sa lalong madaling panahon ang mga proyekto hindi lamang ng mga Sorsoganon kundi maging ng mga dadayo din dito sa lalawigan. (DPWH S1-DEO/BArecebido, PIA Sorsogon)




No comments:

Post a Comment