Monday, April 30, 2012

Two-party system, nais buhayin ng Obispo ng Sorsogon


LUNGSOD NG SORSOGON, April 30 (PIA) – Pabor si Sorsogon Bishop Arturo M. Bastes na muling buhayin sa darating na halalan 2013 ang two-party system.

Ayon kay Bastes, mas magandang at mainam ang two-party system dahil hindi naito tutuon sa personalidad lamang ng mga kandidato kundi mapag-aaralan ng mga botante ang prinsipyo ng partido dahil nakatuon na rin sa idelohiya ang gagawing pagpili.

Dagdag pa ng Obispo na malaki ang bentahe ng ganitong sistema sapagkat malalaman ng mga botante ang mga plata porma ng bawat partido. Aniya, nais niyang muling buhayin ang pagdodomina ng dalawang malalaking partido noon tulad ng Liberal Party at Nacionalista Party sapagkat kung maraming mga partidong maglalaban-laban, malilito ang mga botante kung ano ang katotohanan sa mga plata-pormang inilalatag.

Ayon pa sa kanya, mas nakakalito ang maraming partido na kung pag-aaralang mabuti ay iisa lang din ang adhikain at ninanais na mangyari sa bansa at sa mga mamamayan nito.

Binigyang-diin din ni Bastes na ang ginagawa niyang pahayag ay hindi pamumulitika kundi dapat lamang umanong magabayan nang tama ang mga mamamayan kaugnay ng tamang pagpili ng mga kandidato ayon sa kapasidad mamuno ng mga kandidato at sa konsensya ng mga botante at hindi dahil sa anupamang mga materyal na bagay. (SGuardian/PIA Sorsogon)


No comments:

Post a Comment