Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, May 10 (PIA) –
Sinimulan kahapon dito sa Sorsogon ang tatlong araw na 3rd Bicol
Prosecutors Convention na magtatagal hanggang bukas, Mayo 11, kung saan
naririto ngayon ang mga opisyal ng National Prosecutors League of the
Philippines at mga taga-usig mula sa iba’t-ibang mga lugar sa buong rehiyon ng
Bicol.
Tampok sa mga aktibidad kahapon ang
Corporate Planning and Management Conference alinsunod sa ipinadalang
Memorandum ni DoJ Secretary Leila De Lima na may petsang Marso 2, 2012.
Sa pangalawang araw ngayon ng aktibidad,
iniskedyul ng Provincial Prosecutor’s Office sa pangunguna ni na maipakita rin
sa mga kalahok ang ipinagmamalaking turismo sa iba’t-ibang mga lugar dito sa
Sorsogon.
Ayon kay Provincial Prosecutor Regina Coeli
Gabito, ang aktibidad ay ginagawa nila sa rehiyon ng Bikol lalo pa’t mayroon
silang organisasyon dito, ang Bicol League of Prosecutors at ngayong ton ay
napili ang Sorsogon upang maging punong-abala.
Layunin ng tatlong araw na aktibidad na
pag-usapan ang pinakahuling mga issuances na inilabas ng Department of Justice
(DoJ), magkaroon ng brainstorming ng kanilang gawain bilang mga prosecutors at
mapatatg pa ang samahan ng mga prosecutor sa buong rehiyon ng Bicol.
Naghayag din ng panghinayang si Fiscal
Gabito dahilan sa hindi nakarating ang dalawang malalaking personalidad ng
pamahalaan kung saan kinansela ni Sec. De Lima ang pagpunta dito dahilan sa
nakaiskedyul na pagtestigo nito sa impeachment Trial ni Chief Justice Renato
Corona, habang nasa Hongkong naman si Prosecutor General Claro M. Arellano para
sa kanyang anti-corruption presentation sa international justice community.
Ayon kay Fiscal Gabito, sinamantala rin
niya ang pagkakataon upang ‘maibenta’ sa mga kalahok ang magagandang tanawin,
mga sebisyo, kaugalian at produktong natatangi sa Sorsogon. Kabilang na dito
ang world heritage sa bayan ng Barcelona, Bulusan Lake sa Bulusan at mga beach
at resort sa bayan ng Gubat.
Inimbitahan din niya umano ang Department
of Trade and Industry (DTI) Sorsogon na maglagay ng mga tindahan sa may lobby ng
Bulwagan ng Katarungan upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga local traders
at business establishments sa Sorsogon upang kumita rin ang mga ito.
(BArecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment