Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, May 25 (PIA) – Matagumpay
na nagtapos ang libreng Swimming lesson ng Sorsogon Police Provincial Office
noong nakaraang linggo na ginawa sa Aquarian Gem Resort, sa barangay Pangpang,
lungsod ng Sorsogon City.
Ito ang pagmamalaking inihayag ni PCI Ruben D. Padua, Jr., hepe ng Police
Community Relations at Public Relations Officer ng Sorsogon Police Provincial
Office matapos na matanggap ang mga feedback ng magulang at mismong ng mga
batang lumahok sa nasabing aktibidad.
Sinabi ni Padua na labinglimang mga bata na
may edad apat pataas ang nabenipisyuhan ng nasabing libreng pagtuturo ng mga
kapulisan mula sa PNP Provincial Office.
Matatandaang unang sinimulan ang free swimming lesson sa pagtuturo sa mga
mismong anak ng mga pulis subalit hindi naglaon ay binuksan din ito para sa iba
pang mga interesadong kabataan lalo na sa kamag-anak ng mga pulis at nakagawian
nang gawin tuwing summer bilang isa sa mga programa ng Sorsogon Police
Provincial Office.
Kabilang sa mga naging swimming instructors sina SPO2 Nestor J. Aguirre at
PO2 Wilbert L. Labayo at iba pang mga tauhan ng PNP na nakadestino sa Sorsogon
Police Provincial Office at Police Community Relations section.
Ang mga bata ay tinuruan ng warm up exercises bago tuluyang lumangoy, mga
basic swimming strokes at iba pang wáter survival tips.
Ang nasabing programa ay hindi lamang nakatuon sa paglalangoy, kundi
itinuro din ngmga instructor sa mga bata ang mga natatanging paghahanda
sakaling magkaroon ng mga kalamidad o hindi inaasahang pangyayari tulad ng
pagkalunod at iba pang kahalintuilad na emerhensya. (SPPO/BARecebido, PIA
Sorsogon)
No comments:
Post a Comment