Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, May 25 (PIA) – Inihayag ni
Sorsogon City Police Chief PSupt Edgardo Ardales na tumaas ang lebel ng
kooperasyon ng komunidad dahilan upang mamamantini ang mababang bilang ng mga
kriminalidad sa lungsod.
Aniya
kitang-kita ito sa ilang mga barangay at subdibisyon kung saan mismong ang mga
homeowners na ang nagkukusang mag-organisa ng mga grupong mangangalaga at
poprotekta sa kanilang kaligtasan at makatulong na rin sa programa ng mga kapulisan
upang makamit ang ligtas at maayos na pamayanan.
Sinabi
rin ng opisyal na maliban sa tumaas na lebel ng koperasyon ng komunidad, hindi
rin maisasantabi ang malaking tulong ng mga karagdagang 50 police trainees na
itinalaga sa lungsod kahit pa nga limitado lamang sa police visibility ang
partisipasyon nito.
Ayon
kay Ardales na ang ratio ng pulis sa binabantayang populasyon nito ay 1: 1,500,
subalit kung papalaring makapagtalaga ng mga karagdagang pulis sa lungsod at
maabot ang ideal na ratio na isang puilis sa bawat isanglibong populasyon ay
mas magiging magaan sa kanila ang pagresponde sa pangangailangan ng mga
mamamayan.
Samantala,
pabor din si Ardales sa muling pagbuhay ng National Identification System kung
saan aniya’y malaki ang maitutulong ng nasabing sistema sa pagtukoy sa mga
masasamang loob o paghahanap ng mga may pananagutan sa batas, subalit aminado
siyang sa unang bungad nito ay maaring manibago ang karamihan ngunit positibo
pa rin umano siya na sa kalauna’y tuluyan din itong matatanggap ng mga
Pilipino.
Dagdag
pa ni Ardales na mas maganda kung magkakaroon ng malawakang implementasyon
upang kahit pumasok ang isang dayuhan sa isang lugar ay madaling matutukoy ito
at malaman kung ano ang kanyang layunin sa pagpunta sa lugar.
(FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment