Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, Hunyo 26 (PIA) – Matagumpay na naisagawa ang blood letting
activity noong Biyernes sa Brgy. Buhatan, Sorsogon City.
Ang
nasabing blood letting activity o pagbibigay ng dugo ay nilahukan ng mga tauhan
ng Police Community Relations ng Sorsogon Police Provincial Office at ng
Sorsogon City Police Station kung saan naniniwala ang mga kapulisang ito na ang
bawat patak ng dugo mula sa isang indibidwal ay mahalaga upang makapagdugtong
pa ng buhay ng kanilang kapwa tao.
Apatnapu
(40) ang nagbahagi ng kanilang dugo kung saan maliban sa mga kapulisan ay
nakiisa din sa pagbibigay ng dugo ang mga barangay tanod, barangay official at
iba pang non-government organization mula sa mga barangay ng Buhatan, Abuyog at
Marinas, lungsod ng Sorsogon.
Umabot
sa kabuuang 4,900 cc na dugo ang nalikom mula sa nasabing mga donor.
Naisakatuparan
ang aktibidad sa pagtutulungan ng Sorsogon City Health Office sa pamumuno ni Dr
Larry Garrido at ng Brgy Council ng Brgy Buhatan, Lungsod ng Sorsogon sa
pangunguna naman ni Brgy Councilor Edwin Divina. (BARecebido, PIA
Sorsoogn/EDPaje, SPPO)
Photo: PO2 Mike Espena, SPPO |
No comments:
Post a Comment