Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 27 (PIA) –
Patuloy ang pagsisikap ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) Bicol na makapaglatag pa ng mga konkretong hakbang upang tuluyan nang
matuldukan ang ilegal na pagpuputol ng kahoy at pag-uuling sa mga protected
area.
Sa pangunang paglulunsad nito ay ipapatawag
ng bagong DENR Bicol Regional Executive Director Gilbert C. Gonzales ang
Provincial ENR Officer at City ENRO at mga protected area superintendent sa mga
protected area ng Camarines Norte at ang dalawang Regional Technical Director
(RTD) para sa Forest Management Service (FMS) at Protected Areas Wildlife and
Coastal Zone Management Service (PAWZCMS).
Sa gagawing pagtitipon sa huling araw ng
Hulyo, ilalatag ng DENR ang mga istratehiya at mga hakbang na gagawin upang matuldukan
na ang ilegal na pagpuputol ng kahoy at pag-uuling na mahigpit na ipinagbabawal
lalo na sa mga protected area tulad na lamang halimbawa ng Bicol Natural Park.
Positibo si Director Gonzales na sa
pro-active at praktikal na hakbang na gagawin sa mga isyung tulad nito ay mas
epektibong maipatutupad ang kampanya laban sa ilegal na pagpuputol ng kahoy at
pag-uuling. (BARecebido, PIA Sorsogon/ RMEndones, DENR-V)
No comments:
Post a Comment