Monday, July 2, 2012

Pagsusumite ng bid para sa konstruksyon ng Bachelor’s Officers Quarter ng Sorsogon PPO hanngang bukas na lang


LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 2 (PIA) – Inanunsyo ng Phil. National Police (PNP) Regional Office No. 5 sa pamamagitan ng Bids and Awards Committee (BACS) nito na hanggang bukas na lang, July 3, ang pagtanggap ng mga bidding document ng mga contractor na rehistrado at klasipikado ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) upang mag-bid para sa konstruksyon ng Bachelors’ Officers Quarter ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO) sa loob ng Camp Salvador C. Escudero Sr., Sorsogon City.

Sa ipinalabas na press release ng PNP Sorsogon PPO, ang proyekto ay nagkakahalaga ng P2,534,285.00 kung saan ang pondo ay mula sa PNP.

Kwalipikado ang mga nais mag-bid na may balidong lisensya mula sa PCAB para sa kontrata at Contractors Performance Evaluation System (CPES) Rating Sheet. Kailangan ding mayroon itong mga magagaling na tauhan at kagamitan upang maipatupad nang maayos ang kontrata. Non-discretionary pass o fail criteria ang ginamit ng BAC para sa preliminary examination ng mga bid at magsasagawa din ng pagtatasa at post-qualification sa mga pinakamababang bid.

Lahat ng iba pang mga detalye kaugnay ng Statement at Screening, Bid Security, Performance Security, Pre-Bid Conference, Opening of Bids, Evaluation of Bids, Post-qualification kasama na ang pagkakaloob ng kontrata ay ibabase sa mga probisyon ng R.A. 9184 at Revised Implementing Rules and Regulation (IRR) nito.

Ang mga dokumento sa pagbi-bid ay ibibigay sa mga nais mag-bid kapag naisumite na nito ang kanilang Letter of Intent (LOI) at P10,000 non-refundable na bayad.

Nilinaw din ng pamunuan ng PNP RO5 PBAC ang kanilang karapatan na tumanggap, pahindian o magpawalang-bisa ng mga bid ng walang anumang responsibilidad na sasagutin mula sa mga bidder. (BARecebido, PIA Sorsogon/NAguirre, SPPO)




No comments:

Post a Comment