Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, Hulyo 5 (PIA) – Gaganapin bukas ang ikalawang pagpupulong ngayong
taon ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council
(PDRMC) sa Provincial Training Hall sa Sorsogon City upang ilahad ang mga
aktibidad kaugnay ng obserbasyon ng National Disaster Consciousness Month
ngayong Hulyo sa ilalim ng temang “Ligtas na Bayan Maunlad na Pamayanan”.
Si
Dante Bonos ng Sorsogon Provincial Disaster Risk and Management Office (SPDRMO)
ang naatasang magprisinta ng mga napagkasunduang aktibidad kaugnay ng
mahalagang aktibidad na ito ngayong buwan.
Matatandaang
una nang nagpatawag ng pulong ang SPDRMO sa pamumuno ni Chief Raden Dimaano sa
mga opisyal ng Municipal at City DRRM noon pang unang linggo ng Hunyo upang
talakayin at balikan ang mga inisyatibang nagawa noong nakaraang taon kaugnay
ng pag-obserba ng National Disaster Consciousness Month kabilang na ang naging aktibong
partisipasyon ng SPDRMO sa dalawang araw na SMART School Design at Camp
Management and Coordination kung saan napiling model barangay ang Balogo sa
Sorsogon City at ang paglalagay ng mga safety signage sa palibot ng Mt. Bulusan.
Ayon
kay SPDRMO Chief Engr. Raden Dimaano, ilang mga aktibidad na rin ang nagawa ng
PDRRMC noong nakaraang buwan ng Hunyo alinsunod na rin sa ipinalabas na
Memorandum ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
na may petsang Hunyo 4, 2012 kung saan lahat ng mga DRRMC ay inatasang
magsagawa ng Information Education Campaign (IEC) ukol sa lindol at sabay-sabay
na pagsasagawa ng 2nd quarter earthquake drill bago matapos ang
Hunyo upang mapataas pa ang kamalayan ng publiko at malinang ang kahandaan ng
komunidad sa pag-iwas sa mga malalaking panganib sa panahong nagkakaroon ng
lindol.
Nakatakda
ring ilahad sa mga kasapi ng PDRRMC ang naging resulta ng ginawang Media
Practitioner Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation (DRR-CCA) workshop
orientation noong Hunyo 8-9, 2012 kung saan ilang mga suhestyon at rekomendasyon
ang ibinigay ng lokal na media na lumahok sa aktibidad na makakatulong upang
mapaigting pa ang ugnayan ng mga mamamahayag at ng local DRRMC partikular sa
pagpapaabot ng mahahalagang impormasyon sa panahong may mga kalamidad. (BARecebido,
PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment