Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 29 (PIA) –
Matapos ilunsad noong Pebrero ngayong taon ang proyektong “Pulis
Makakalikasan: Sampung Milyong Puno, Pamana sa Kinabukasan” ng Philippine National Police (PNP) umabot
na sa 19,470 mga pananim na puno ang naitanim na ng PNP Sorsogon hanggang
nitong buwan ng Hunyo.
Sa ilalim ng programang ito ng PNP, dapat
na magtanim ang bawat kasapi ng PNP ng anim na puno bawat buwan sa loob ng
isang taon o kabuuang 72 puno bawat pulis sa loob ng isang taon bilang suporta sa National Greening Program
(NGP) ng kasalukuyang administrasyon,
.
Ayon kay PO3 Ronnie V. Sanchez of Police Community
Relations Office (PCRO), naging mas agresibo sa pagtatanim ng mga puno ang PNP
sa pagdiriwang ng ika-17 taon ng Police Community Relations Month (PCR) ngayong
taon.
Tiniyak din ng PNP Sorsogon sa atas ni Provincial Director PSSupt. John
CA Jambora ang kaukulang
koordinasyon ng tanggapan ng kanilang PCR sa Department of Environment and
Natural Resources (DENR) at sa iba pang mga local government unit (LGU) sa
pagtukoy ng mga lugar na dapat pagtamnan ng mga puno.
Target umano ng PNP Sorsogon na
makapagtanim ng 50,832 mga puno ang 17 yunit o istasyon ng pulis sa buong
lalawigan.
Positibo ang PNP Sorsogon na maaabot nila
ang aabot pa sa animnapung porsyentong kakulangan sa naitanim nilang mga puno
bago ang Pebrero 2013.
Ang PNP Sorsogon ay mayroong kabuuang
bilang na 696 uniformed personnel at 10 non-uniformed personnel.
Matatandaang isang Memorandum of Agreement
(MOA) ang pinirmahan sa pagitan ni PNP Director General Nicanor Bartolome at
DENR Secretary Ramon Paje noong Enero ngayong taon. Sa ilalim ng MOA,
kailangang maglagay din ng nursery ng mga puno sa loob ng kampo ang PNP kung
saan ang DENR ang tutulong sa pagtukoy sa mga uri ng kahoy na maaring itanim
base sa uri ng klima at lupa sa pagtatamnang lugar.
Ayon kay PNP Dir. Gen. Bartolome, ang “10
Million Trees for 7,000 Islands Project” ng PNP ay suporta din sa National
Climate Change Action Plan of the Climate Change Commission.
Ayon naman sa DENR, target ng NGP na
matamnang muli ng mga puno ang aabot sa 200,000 ektaryang lupain at makalikom
ng aabot sa 114 milyong mga pananim ngayong taon. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment