Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, September 11 (PIA) –
Itinalaga ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Sorsogon 2nd
District Congressman Deogracias B. Ramos Jr bilang legislative liaison officer
ng unang distrito ng Sorsogon matapos na mabakante ito sanhi ng pagpanaw ni 1st
District Congressman Salvador “Sonny” Escudero III dahilan sa sakit na cancer
noong Agosto 13, 2012.
Ayon kay Belmonte, hindi dapat na masakrispisyo
ang interes ng mga mamamayan ng unang distrito ng Sorsogon dahilan sa pagpanaw
ng kanilang kongresista kung kaya’t nagpalabas ito ng isang special order noong
Styembre 3, 2012 na nagtatalaga kay Cong. Ramos upang maipagpatuloy ang naiwang
mga gawain ni Cong. Escudero.
Bahagi din umano ng espesyal nilang gawain
sa kongreso ang ipagpatuloy ang mga naiwanang programa ng pumanaw na kasamahan.
Sa pagkakatalagang ito ni Cong. Ramos, siya
na ngayon ang kakatawan sa Kongreso ng dalawang distrito ng Sorsogon na may 14
na sakop na mga bayan.
Si Cong.
Ramos ang kasalukuyang vice-chair ng Committee on Natural Resources,
Committee on Rural Development at Committee on Bicol Recovery and Economic
Development. (BARecebido, PIA Sorsogon/BT)
No comments:
Post a Comment