Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 26 (PIA) – Dumayo
sa lalawigan ng Sorsogon ang ilang mga tauhan ng Overseas Workers and Welfare
Administration (OWWA) Bicol noong Miyerkules upang magsagawa ng oryentasyon para
sa mga nagsumite na ng kanilang aplikasyon at nais makabenepisyo sa Sponsored
Scholarship Program ng OWWA.
Ayon kay OWWA Community Welfare
Administration Officer Arlene Bartolata, katuwang nila ang Department of
Science and Technology (DOST) sa pagpapatupad ng programang ito kung saan ang
DOST ang siyang namamahala sa paggawa ng mga questionnaire at kagamitan sa
pagsusulit na gagamitin ng mga interesadong aplikanteng sasailalim sa
qualifying examination.
Ang Scholarship Sponsored Program ng OWWA
ay bukas sa mga anak at kapamilya ng mga dokumentadong Overseas Filipino
Workers (OFWs) saan mang panig ng mundo na may kabuuang kita na hindi tataas sa
$400 bawat buwan o $ 4,800 dolyar bawat taon.
Ipinaliwanag nila umano sa mga interesadong
mag-aplay na iskolar ang mga patakaran upang maging kwalipikadong iskolar sa
ilalaim ng kanilang Sponsored Scholarship program.
Dinaluhan din ang aktibidad na ito ng ilang
mga OFWs na naririto ngayon sa Sorsogon upang higit din nilang maintindihan ang
mga patakarang nakasaad sa programa.
P30,000 ang matanggap ng bawat makakapasang
mag-aaral sa iallaim ng OWWA Sponsored Scholarship Program. Maaari din umano
silang makapamili kung saang paaaralan sa bansa nila nais mag-aral, pampubliko
man o pribadong kolehiyo. (BARecebido/FBTumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment