clarissa623.wordpress.com |
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, November 16 (PIA) – Matapos
kilalanin ang lalawigan ng Sorsogon sa may pinakamasarap na pili sa buong mundo
at mataas na potensyal nito sa ngalan ng pagnenegosyo, mas na tinututukan sa
ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon ang iba’t ibang
paraan upang matulungan ang mga magsasaka at maliliit na mga negosyante.
Sa pakikipag-ugnayan ng DTI sa mga lokal na
pamahalaan dito, tahasang sinabi ni Provincial Director Leah A. Pagao na malaki
ang ambag ng industriya ng Pili sa Sorsogon lalo pa’t ito ang pinakamalaking taga-suplay
ng raw materials nito sa kabikolan.
Sinabi din ni Pagao na ang pagkakaroon ng
tamang pagproseso ng Pili at ang pagiging malikhain ng mga Sorsoganon upang
makagawa ng mga bagong produkto mula sa pili ang nagdala dito upang lalo pang
makilala ng mga lokal man na residente o dayuhan.
Isang halimbawa umano nito ay ang Tia
Berning Pili Candies na pinaghahandaan na rin ang pag-eexport ng prinosesong
Pili sa ibang bansa gaya ng Korea.
Sa kabilang dako, suportado naman ng LGU ng
Sorsogon City ang hakbang ng DTI lalo na ng Agriculture at Tourism Office upang
mabigyan din ng oportunidad ang mga pili farmers, producer at iba pang
stakeholders dito.
Sa pakikipagdayalogo din ng DTI sa mga
stakeholders, napagkasunduan ng mga ito na kailangang mabigyan ng kaukulang
pansin ang pagbibigay ng tamang tulong pinansyal sa mga pili farmers,
pagpaparami ng mga puno ng pili at pagbibigay suporta sa micro-pili food
processors.
Napagkasunduan din nila ang pagkakaroon ng
Pili Stakeholders Meeting upang maipagpatuloy ang adbokasiya sa pagpapa-unlad
ng pili nang sa ganun ay mailatag din ng mga pili farmers kasama na ang iba
pang stakeholders ang mga isyu at usapin na may kaugnayan sa kanilang pangangailangan
pagdating sa pagnenegosyo at industriya ng pili.
At upang mas maipakilala pa ang pili ng
Sorsogon sa labas ng bansa, ipinalabas din sa Living Asia ng tatlong ulit noong
Hulyo ngayong taon ang halos ay 10 minutong audo-video presentation na
pinamagatang “Meet the Pili”.
Maging sa mga telebisyon sa Amerika ay
ipinalabas din ang nasabing audio-video presentation ukol sa pili ng Sorsogon.
(BAR/HBinaya, PIA Sorsogon/DTI Sorsogon)
No comments:
Post a Comment