Ni: Bennie A. Recebido
The Author: Dr. Higino A. Ables, Jr. |
Alas singko bukas ng hapon ilulunsad sa
Provincial Museum sa Capitol Compound, Lungsod ng Sorsogon ang nasabing libro
na isinulat ni Dr. Higino A. Ables, Jr., isang retiradong propesor ng University
of the Philippines Los Banos (UPLB).
Ayon sa may-akda, magiging interesado ang
mga Sorsoganon na basahin ang librong ito lalo’t naglalaman ito ng mga
mahahalagang obserbasyon tungkol sa Sorsogon, noon, ngayon at ang maaaring
maging kahihinatnan ng Sorsoogn sa darating na mga taon.
"Saan man tayo manirahan,
ano man ang maging paniniwala natin, magkakatulad pa rin ang ating pangangailangan,
hangarin at suliranin. Ang pagkakatulad na ito ng ating pangangailangan
ang magtututro sa ating lahat upang matuto at mamuhay ng mapayapa sapagkat
lahat tayo ay nasa iisang bangka," pinaliwanag ng may-akda kung bakit “We Are In
The Same Boat” ang ipinamagat niya sa libro.
May mahahalang tip o pabatid din umano sa libro na
maaaring makatulong sa mga guro sa pamamahala at pagbibigay payo sa mga
mag-aaral.
Nahahati naman sa apat na bahagi ang libro. Ang unang
bahagi na pinamagatan niyang “Where We Live,” ay tungkol sa Sorsogon, sa isang
bayang naaala ng may-akda noong siya ay bata pa.
Ang ikalawang bahagi na pinamagatan niyang “How
We Live,” ay tumatalakay sa responsibilidad ng mga mamamayan, pansariling
kasiyahan at mga nakakatuwang anekdota ukol sa pagiging makakalimutin.
Tinalakay din dito ang tipikal na
pamumuhay, ligtas na pagmamaneho at mabuting pag-uugali pati na rin ang tama at
hindi tamang paggamit ng kapangyarihan.
Sa ikatlong bahagi ay may mga rekomendasyon
naman para sa edukasyon sa kolehiyo at kung papaanong mapapatatag pa ang mga
unibersidad at paaralang pangkolehiyo sa bansa.
Sa ikaapat at huling bahagi ay ang maikling
sariling-talambuhay ni Dr. Ables. Ikinuwento niya dito ang kanyang pinagmulan at
kamusmusan hanggang sa maging iskolar sya ng 4-H Club sa UPLB, ipadalang iskolar ng kaparehong paaralan sa
abroad, bumalik at maging propesor sa UPLB at magretiro dito noong 2004.
Ang libro na inedit ni Ferdie M. Aragon ay
may 154 na pahina. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment