Friday, June 29, 2012

NGCP binigyang-linaw sa Power 101 Media Orientation ang ilang mga isyu sa kanilang operasyon


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 29 (PIA) – Naging matagumpay at dinagsa ng mahigit animnapung mga mamamahayag mula sa Sorsogon at Albay ang ginawang Power 101 Media Orientation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) noong Miyerkules sa  Pepperland Hotel, sa lungsod ng Legazpi.

Sa nasabing aktibidad, ipinaliwanag ni NGCP Technical Consultant Guillermo Redoblado ang operasyon ng NGCP kung saan nakatuon lamang umano ito sa transmission o pamamahagi ng mga matataas na boltahe ng kuryente at hindi nila sakop ang pamamahagi ng kuryente sa mga end-user o mga kabahayan.

Binigyang linaw din niya ang ilang mga terminolohiyang madalas gamitin ng NGCP sa kanilang mga press releases at information dissemination campaign tulad ng brown-out, black-out, grid, transmission, generation, distribution, kilowatthour at iba pa ng mga terminolohiya.

Si NGCP Spokesperson Atty. Cynthia P. Alabanza naman ang siyang sumagot sa mga katanunagn ng media sa ginawang press conference.

Binuksan din sa mga mamamahayag ang pasilidad ng NGCP Daraga Sub-station kung saan ipinakita sa mga ito ang kanilang control at switch room. Ipinaliwanag ni Albay-Sorsogon sub-station head Nick Supena kung saan dumadaloy ang mga kuryenteng ipinamamahagi ng NGCP sa Soreco I, Soreco II at Aleco, ang mga pangunahing kustomer ng Daraga sub-station. Ipinakita din niya ang pinagmumulan ng 69 KiloVoltage na transmission line patungong lalawigan ng Sorsogon at kung papaano ito ipinamamahagi ng NGCP.

Pinabulaanan din ni Supena ang maling paniniwala o misconception ng ilan ukol sa mga epektong dala ng Electro-Magnetic Field (EMF) sa kanilang mga trabahador tulad ng pagkakabaog o pagtataas o pagkakaunat ng mga buhok at iba pang mga nararamdamang epekto sa katawan.

Aniya, simula nang hawakan ng NGCP ang operasyon ng kanilang sub-station ay wala silang naitatalang casualty o injury sapagkat pangunahing binibigyang-atensyon nila ang kaligtasan ng kanilang mga trabahador kung kaya’t bago ito magsimula sa kanilang trabaho ay nagkakaroon muna sila ng safety/precautionary meeting upang regular na paalalahan ang kanilang manggagawa ukol sa mga dapat gawin at iwasan.

Nilinaw din ng pamunuan ng NGCP na ang mga asset at tore ng kuryente na may malalaking boltahe na nakikita sa iba’t-ibang mga lugar sa bansa  ay pag-aari ng pamahalaan at kung pag-aari ito ng pamahalaan, may karapatan at responsibilidad ang bawat Pilipino na pangalagaan ito.

Nananawagan din sila sa publiko na tulungan silang pangalagaan ang mga pasilidad o huwag hayaang nakawin ang alinmang bahagi ng pasilidad na ito.

Sa panig naman umano ng pamahalaan ay pinaiigting nito ang RA 7832 o ang batas laban sa pagnanakaw ng kuryente at bahagi ng linya ng kuryente.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga lumahok na mga mamamahayag sa oportunidad na ibinigay ng NGCP sa kanila at kapwa positibo ang magkabilang panig sa mas bukas at malalim pang ugnayan ng NGCP at media nang sa gayon ay maipaabot sa publiko ang tama at kaukulang impormasyong dapat makarating sa mga komunidad. (BARecebido)




PNP todo bantay sa seguridad sa lungsod at maging sa iba pang bahagi ng lalawigan


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 29 (PIA) – Maliban sa pagiging aktibo ngayon ng mga tauhan ng kapulisan sa pagbabantay ng sitwasyong pangkapayapaan at kaayusan sa bisinidad ng lungsod ng Sorsogon kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng patron ng lungsod San Pedro at San Pablo, patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga ito upang matukoy ang suspetsadong nasa likod sa ilang mga krimeng naganap dito.

Isa sa mga ito ay ang malalim na pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pamamaril sa principal ng San Juan Elementary School sa Bacon District, Sorsogon City na si Romeo Diamsen y Paje kung ayon sa ulat ng Bacon Police Station ay pinasok ang principal sa loob mismo ng kanyang tanggapan noong Hunyo 25, 2012, alas nueve ng gabi habang ginaganap ang alumni homecoming ng paaralan.

Tatlong ulit na pinagbabaril ang biktima na tumama sa kanyang kaliwang balakang, tiyan at ulo. At noong Martes ng gabi ay tuluyan nang namatay ang biktima habang ginagamot ito sa ospital.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo ng pamamaril.

Samantala, sa iba pang mga kaganapan, nakuha na rin ang ulo ng pugot na bangkay sa Brgy. Sumagunsong, Bulan, Sorsogon isangdaang metro mula sa kinakuhanan ng pugot na katawan nito. Nakasuot ang biktima ng puting t-shirt at maroon na shorts. Hinala ng mga imbestigador na dayo sa lugar ang biktima dahilan sa hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy kung sino ang bangkay.

Tiniyak naman ng pamunuan ng pulisya sa Sorsogon City at Bulan, Sorsogon na hindi sila titigil hanggat hindi natutukoy ang salarin at nalalaman ang motibo sa naganap na mga krimen. (BARecebido, PIA Sorsogon)


Tuesday, June 26, 2012

BFP Sorsogon City positibong susundin ng mga paaralan ang kanilang rekomendasyon


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 27 (PIA) – Sa patuloy na pagpupunyagi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon City Station na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mapigilan ang mga panganib dala ng sunog, patuloy ang ginagawang paglilibot at pag-iinspeksyon ng mga tauhan nito sa iba’t-ibang mga paaralan sa lungsod.

Ayon kay Sorsogon City Fire Marshal Walter Marcial, nito lamang nakaraang Hunyo 19-20, 2012, apat na mga paaralan sa elementarya sa Bacon District ang kanilang ininspeksyon kabilang na ang Bato Elementary School, Bon-ot Elementary School, Balogo Elementary School at Sawanga Elementary School.

Habang nito naman umanong nakaraang Hunyo 21-22, 2012, ay dalawa pang mga paaralan sa East District ang kanilang inispeksyon na kinabilangan ng Balogo Elementray School at Bibincahan Elementary School.

Ayon sa opisyal, ilan sa mga nadiskubre nilang kakulangan sa nasabing mga paaralan ay ang mga sumusunod: may mga nakaambang panganib dahilan sa kawalan ng mga maayos na sistema at electrical facilities, kawalan ng fire alarm bell at walang nakaantabay na mga aparato o kagamitang maaring makaapula ng apoy sakaling magkaroon ng sunog.

Kaugnay nito, inirekomenda ng inspection team ng BFP Sorsogon City sa principal ng mga paaralang ito na ayusin ang kanilang mga electrical facilities, maglagay ng kahit isa man lang nay unit ng portable fire extinguisher sa bawat silid-aralan at maglagay o ayusin ang mga sirang fire alarm bell.

Buo ang tiwala ni Marcial na hindi ipagwawalang-bahala at susundin ng mga prinsipal ang kanilang rekomendasyon nang sa gayon ay maiwasan ang mas malalaki pang pinsala sa hinaharap. (BArecebido, PIA Sorsogon/WBMarcial, BFP)







NGCP Bicol, magsasagawa ng Media Orientation sa mga mamahayag ng Albay at Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 27 (PIA) – Aabot sa mahigit animnapung mga lokal na mamamahayag mula sa lalawigan ng Sorsogon at Albay ang kalahok ngayon sa isinasagawang Power 101 Media Orientation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Southern Luzon Region.

Ayon kay NGCP Southern Luzon Regional Corporate Communications Officer Nelson Bautista, layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga kasapi ng lokal na media ukol sa mahalagang papel na ginagampanan ng NGCP sa sektor ng enerhiya, talakayin ang mga pangunahing terminolohiyang ginagamit ng NGCP sa pagpapaabot nila ng mga impormasyon at mabigyang-linaw ang ilang mga usapin at isyung may kaugnayan sa transmission operations.

Aniya, kinikilala nila ang malaking bahaging ginagampanan ng media sa pagpapalaganap ng impormasyon sa komunidad kung kaya’t binuo nila ang aktibidad na ito.

Bago ang media orientation ay magkakaroon ng media familiarization tour sa pasilidad ng NGCP sa Penafrancia, Daraga sub-station upang makita at higit na maintindihan ng mga ito ang mga kagamitang ginagamit sa operasyon ng NGCP.

Si Ginoong Guillermo Redoblado, ang dating vice-president for Luzon ng TransCo at sa kasalukuyan ay technical consultatnt ng NGCP ang siyang magpiprisinta ng mga paksang tatalakayin habang si Atty. Cynthia P. Alabanza, ang Adviser for external Affairs at official spokesperson ng NGCP ang siyang magiging tagapagsalita sa gagawing press conference matapos ang media orientation.

Bago pa man ang aktibidad ay hinikayat na ni Bautista ang mga media na ipaabot ang mga katanungan at ilang mga isyung nais nilang mabigyang-linaw nang sa gayon ay magkaroon ng iisang konsepto at magkakahalintulad na impormasyon ang NGCP at media sa kanilang pagtalakay sa kani-kanilang mga programa.

Umaasa din si Bautista na sa pamamagitan ng kooperasyon at suporta ng media ay maipaaabot din sa kanila ang mga magagandang suhestyon o rekomendasyon na makakatulong upang matugunan ang ilang mga isyung nakaapekto sa maayos na operasyon ng NGCP. (BARecebido)





PNP RO5 announces Invitation to Bid for Sorsogon PPO Bachelors’ Officers Quarter’s construction


SORSOGON CITY, June 26 – The Philippine National Police Regional Office 5, through its Bids and Awards Committee (BAC) invites contractors registered with and classified by the Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) to bid for the construction of Bachelors’ Officers Quarter of Sorsogon PPO at Camp Salvador C Escudero Sr., Sorsogon City.
The project named; Construction of Sorsogon BOQ Building, with location at Sorsogon Police Provincial Office has an amount of Php 2,534,285.00 and  funded by the PNPTR.

Prospective bidders should possess a valid PCAB License applicable to the contract and Contractors Performance Evaluation System (CPES) Rating Sheet. Have completed a similar contract with value of at least 50% of the ABC, and have key personnel and equipment available for the execution of the contract. The BAC will use non-discretionary pass/fail criteria in the Preliminary Examination of Bids and conduct evaluation and post-qualification of the lowest calculated bid.

All particulars relative to the Statement and Screening, Bid Security, Performance Security, Pre-Bid Conference, Opening of Bids, Evaluation of Bids, Post-qualification and Award of Contract shall be governed by the pertinent provisions of R.A. 9184 and its Revised Implementing Rules and Regulation (IRR).

The schedule of BAC activities are as follows:

No.
BAC ACTIVITIES
SCHEDULE
VENUE


1
Advertisement/Receipt from prospective bidders Letters of Intent (LOI) including Application for Eligibility and Issuance of Eligibility Forms


June 14, 2012


Office of the BAC Secretariat

2
Issuance and Availability of Bidding Documents
June 15 2012- July 3, 2012
Office of the BAC Secretariat

3

Pre-Bid Conference

June 21, 2012
PRO5 Conference Room, Camp Gen. Simeon A. Ola, Legazpi City

4

Receipt and Opening of Bids

July 3, 2012
PRO5 Conference Room, Camp Gen. Simeon A Ola. Legazpi City
5
Bid Evaluation
July 4-7, 2012

6
Post Qualification
July 8-10, 2012


7
Approval and Resolution/Issuance of Notice of Award

July 11-17, 2012

8
Contract Preparation and Signing
July 18-24, 2012

9
Approval of Contract by Higher Authority
July 25-31, 2012

10
Issuance of Notice to Proceed
Aug 1-3, 2012


Bid Documents will be available only to prospective bidders upon submission of Letter of Intent (LOI) and payment of a non-refundable amount of Ten Thousand Pesos only (Php 10,000.00).

The PRO5 PBAC reserves the right to accept or reject any bid, and to annul the bidding process and reject all bids at any time prior to contract award, without thereby incurring any liability to the affected Bidder or Bidders. (SPO2 Nestor J Aguirre, PCR-PIO/ PIA Sorsogon)