Ni: FB Tumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 18 (PIA) –
Muling nanawagan kamakailan sa publiko lalong-lalo na sa mga Sorsoganon si
Police Provincial Operations Section Chief Police Supt. Arturo Brual Jr. na kusang
loob na isuko sa kanilang istasyon ng pulisya sa ibat-ibang munisipyo sa
lalawigan ng Sorsogon ang mga itinatagong baril ng mga ito na walang kaukulang
lisensya.
Siniguro ng opisyal na bibigyan ng resibo
ang bawat transakyon ng bawat baril na isusuko sa kanilang tanggapan at kusa
rin nila itong ibabalik sa oras na maisyuhan nila ito ng permit.
Ayon pa kay Brual tuloy-tuloy din ang
pagsasagawa nila ng mga check point
kasama ang Comelec sa ibat-ibang lugar sa probinsya para masigurong walang
makakalusot na mga baril na posibleng magamit sa anumang karahasan sa darating
na halalan 2013.
Handang-handa na rin ang buong puwersa ng
Sorsogon Police Provincial Office na gawin ang lahat para sa epektibong
pagpapatupad ng Secured and Fair Election upang makamit ang maaayos at
mapayapang halalan sa Mayo 2013.
Samantala, naghahanda na rin ang iba’t-ibang
ahensyang may kaugnayan sa pagpapatupad ng kaayusan sa mga pantalan at mga
lansangan sa muling pagbubukas ng bakasyon o Semana Santa sa ikaapat na linggo
ng Marso.
Base sa inisyal na ulat ng Sorsogon Police
Provincial Office walang anumang naitalang untoward incident sa probinsya ng
Sorsogon kaugnay ng mga aktibidad sa halalan. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment