Info Bits on Government 101
MGA KATANGIAN NG MGA KARAPAT-DAPAT NA LINGKOD BAYAN
Mga
katangiang dapat makita sa isang karapat-dapat na Lingkod Bayan ay ang mga sumusunod:
- Dapat ay may hangaring tapat at mahusay sa kanyang paglilingkod sa publiko
- Dapat ay may pantay at makatarungang pakikitungo sa sinumang lumalapit sa kanyang tanggapan.
- Dapat ay may integridad at walang hangaring gamitin ang kanyang tungkulin sa kanyang pansariling kapakanan.
- Dapat ay may integridad at paninindigan na hindi tatanggap ng anumang uri ng suhol o lagay.
- Dapat maka-Diyos at may damdaming pagserserbisyo lalo na sa mga mahihirap.
ANG SENADOR
Ang mga pangunahing tungkulin
ng isang senador ay ang mga sumusunod:
- Nagpapasa ng mga batas na makakabuti para sa mga mamamayan at inaamyendahan ang mga batas na hindi angkop sa kasalukuyang panahon.
- May kakayahan para magsuspinde, magbasura o tutulan ang mga panukalang batas na ipinasa ng mga kongresista.
- May kakayahang gamitin ang “veto power” – ang kapangyarihang “magcheck and balance” para matiyak na patas at walang kinikilingan ang lehislatura. Gayundin ang pagseseguro na hindi mapapasailalim sa dikataturyal na pamamahala ang bansa. Ito rin ay para sa ikapapanatili ng integridad ng pamahalaan.
- Tumatalakay at gumagawa ng plano para sa pagpi-pinal ng pambansang budget na pinagtibay ng mababang kapulungan bago ito ipasa sa pangulo.
- Nagpapatibay o nagpapawalang bisa sa mga Internasyonal na kasunduan kahit na pinagtibay na ito ng pangulo sa pamamagitan ng desisyon na ginawa ng 2/3 ng kabuuan bilang ng mataas na kapulungan.
- Nagpapahayag ng pagpapalawak, promosyon, pagbabago at suspensiyon ng Martial law kasama ng pagsususpinde ng mandamyento de aresto na inaprubahan ng mababang kapulungan.
- Nagsisiyasat ng mga tao, polisiya o pamamaraan upang magrekomenda ng mga gawain sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
- May kapangyarihan para ipasailalalim sa impeachment ang mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng desisyon na ginawa ng 2/3 ng kabuuan bilang ng mataas na kapulungan.
ANG KONGRESISTA
Ang mga pangunahing
tungkulin ng isang kongresista ay ang mga sumusunod:
- Gumagawa, nagpapanukala o nagbabasura sa mga pang-distrito o pang-nasyonal na panukalang batas na ipinatutupad.
- Gumagawa ng mga proyekto at imprastraktura para sa mga kanilang nasasakupan.
- Nagsisiyasat ng mga tao, polisiya o pamamaraan bilang isang katangian ng lehislasyon, upang magrekomenda ng mga kurso ng pagkilos sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
- Gumawa ng mga panukalang batas sa buwis, pinagkukunan ng kita at ang mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng mga pampublikong kagamitan.
- May ekslusibong kapangyarihan para ipasailalalim sa impeachment ang mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng desisyon na ginawa ng 2/3 ng kabuuan bilang ng mababang kapulungan.
ANG PARTIDO
Ang mga pangunahing
tungkulin ng isang partido ay ang mga sumusunod:
- Kumakatawan sa mga sektor ng lipunan na nagbibigay pansin sa mga mahahalagang usapin na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng bansa na hindi napagtutuunan ng mga kinatawan ng distrito.
- Gumagawa, nagpapanukala o nagbabasura sa mga pang-distrito o pang-nasyonal na panukalang batas na ipinatutupad.
- Gumagawa ng mga proyekto at bumuo ng imprastraktura para sa kanilang kinakatawang sektor ng lipunan.
ANG TERMINO NG PAGKAKAHALAL NG ISANG SENADOR,
ISANG KONGRESISTA AT ISANG PARTIDO
Ayon sa itinakda ng Saligang Batas:
- · Ang isang senador ay maaring manungkulan sa loob ng anim na taon bawat termino. Ang Labindalawang senador na nakakuha ng pinakamataas na boto ay maaring manungkulan ng hanggang anim na taon samantalang ang natitirang labindalawa ay maaari lamang manungkulan sa loob ng tatlong taon.
·
Sa
pagkakataong ito, ang mga senador na nanungkulan sa loob ng 3 taon ay maaring tumakbong
muli sa susunod na eleksyon para mapahaba ang kanilang panunungkulan ng tatlo
pang taon.
·
Ang
isang kongresista ay maaring manungkulan sa loob ng tatlong taon.
·
Ang
isang partido ay mayroong tatlong taong panunungkulan.
No comments:
Post a Comment