Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 19 (PIA) –
Higit pang pinaiigting ngayon ng pamahalaang bayan ng Sta. Magdalena ang
kanilang kampanya laban sa anumang mga ilegal na gawain sa kanilang bayan.
Kaugnay nito isang Multi-Sectoral
Check-point ang nakatakdang buuin ng LGU-Sta Magdalena sa pamumuno ni Mayor
Alejandro E. Gamos.
Ayon sa alkalde, hiningi nila ang tulong ng
iba’t-ibang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Interior and Local
Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR),
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philipine National Police
(PNP), Philippine Army (PA), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Coconut
Authority (PCA), Philippine Information Agency (PIA); lokal na sangay ng
pamahalaan tulad ng Provincial Environment and Natural Resources – LGU, Liga ng
mga Barangay at iba pang mga LGU; at ang media sa pamamagitan ng Kapisanan ng
mga Brodkaster ng Pilipinas – Sorsogon Chapter.
Bahagi umano ito ng ginagawa nilang
pangangalaga sa kanilang mga likas na yaman at ng kanilang pagganap sa kanilang
responsibilidad para sa susunod na mga henerasyon.
Partikular na tinukoy ng alkalde ang
kalsadang pinaghuhugpungan ng Brgy. Penafrancia at San Sebastian na dapat
malagyan ng check-point kung saan dito madalas na dumadaan ang mga nagbibyahe
ng mga ilegal na punong pinutol at mga ilegal na huling lamang-dagat.
Bawat
isang kasapi ay may kani-kaniyang mga papel na gagampanan upang mas maging
epektibong maipatupad ang gagawing panghuhuli ng mga gumagawa ng ilegalidad.
Positibo
ang alkalde na sa pamamagitan ng pagbubuo ng multi-sectoral check-point ay
hindi makalulusot ang mga katiwaliang nais nilang matuldukan. (BARecebido, PIA
Sorsogon)
No comments:
Post a Comment