telecommunication.aboutph |
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 20 (PIA) –
Nasa Sorsogon ngayong araw ang ilang tauhan ng National Telecommunications
Commission (NTC) Regional Office V upang magsagawa ng isang araw na Mobile
Registration at Licensing sa SB Session Hall sa bayan ng Irosin, Sorsogon.
Alas nueve ng umaga kanina ng simulan ito
na magtatagal hanggang mamayang alas-kwatro.
Ayon kay NTC Bicol Regional Director Arnel
Padilla, ang aktibidad ay isinakatuparan upang mabigyan ng pagkakataon na
maiparehistro, maisa-legal, at mabigyang lisensya ang lahat na unregistered
radio transceivers na ginagamit sa iba-ibang mga ahensya ng pamahalaan at
pribadong opisina o ginagamit ng mga indibidwal sa lalawigan ng Sorsogon.
Sinabi din ni Padilla na hindi sila
mangingiming patawan ng kaukulang penalidad ang sinumang mahuhuling lumalabag
sa patakarang ipinatutupad ng NTC.
Halos ay ilang linggo ring nanawagan ang
NTC sa mga Sorsoganon na gumagamit ng radio transceivers na samantalahin ang
pagkakataong ito. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment