Wednesday, February 20, 2013

Seaweed Farming makapag-aangat sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Castilla



TAGALOG NEWS:


Mangingisdang kalahok sa Seaweeds Seminar/Training
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 20 (PIA) – Upang matulungan pang makahanap ng alternatibong mapagkakakitaan ang mga residente sa kostales na lugar ng Castilla, Sorsogon, pinamunuan ng 903rd Infantry Brigade ang isang Seaweed Training at Seminar na idinaos kamakailan sa Brgy. Tumalaytay sa kaparehong bayan.

Nagbigay-daan din ang aktibidad upang maisulong ang pagsasaka ng seaweeds bilang isa sa mga pinakamagagandang alternatibong mapagkakakitaan ng mga mangingisda.

Kabilang sa mga lumahok ay ang mga kasapi ng Barangay Defense System (BDS) at mga residente sa kostales na lugar ng Castilla.

Nagbigay ng mensahe at nagbahagi ng kani-kanilang kasanayan at karanasan sina Regional Seaweed Action Officer Ed Serrano; SEAGRASS President Red Lasay; Provincial Agriculture Office-Fisheries Division Chief Serafin N. Lacdang; Castilla Municipal Councilor Vicente Astano; at Cpt. Arnel G. Sabas, ang Civil Military Operations (CMO) Officer ng 903rd Brigade.

Si Ginoong Reynaldo C. Marchan, kalihim ng Sangguniang Bayan at Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) ng Castilla ang nagbigay ng lecture-demonstration sa mga kalahok at tumalakay sa Batas Pampangisdaan 8550.

Habang si Amelito M. Golloso Sr., ang technical staff ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Sorsogon ang tumalakay sa kahalagahan at economic value ng seaweeds, major aquaculture commodities, seaweeds farming kasama na ang iba’t-ibang mga pamamaraan sa pagpapatubo at pagpapalago, farm maintenance, pag-aani at pagpapatuyo nito, at tinalakay din nya ang mga sakit na dumadapo sa seaweeds.

Bago matapos ang aktibidad ay namahagi naman ang 903rd Brigade ng mga token sa mga kalahok.

Samantala, malaki naman ang naging kasiyahan ni 903rd Brigade Commander Colonel Joselito Kakilala sa naging partidipasyon ng mga kalahok at sinabing ang nasabing pagsasanay at seminar ay magiging malaking tulong upang mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga mangingisda.

Tiniyak din ni Col. Kakilala na hindi maglalaon ay maipatutupad din ang kahalintulad na proyektong pangkabuhayang ito sa iba pang mga kostal na lugar sa Sorsogon sa tulong ng iba pang mga stakeholders kaugnay na rin ng ipinatutupad na Internal Peace and Security Plan (IPSP)-Bayanihan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. (PA/BARecebido, PIA Sorsogon)




ENGLISH NEWS:


903Bde facilitates Livelihood Training for Coastal Barangays of Castilla

903rd Bde CMO Officer Capt. Arnel Sabasduring the Seaweeds Training
CASTILLA, SORSOGON, Feb 19 (PIA) – In an effort to tote up an alternative livelihood to the coastal barangays in the municipality of Castilla, the 903rd Infantry (Fight & Defend) Brigade facilitated the Seaweeds Training and Seminar at Tumalaytay, Castilla, Sorsogon, a week ago.

The activity also provided means to promote seaweeds farming as one of the best alternative livelihood for the residents in the coastal communities.

In attendance were the members of the Barangay Defense System (BDS) and residents residing along the coastal barangays of Castilla.

The training started with a welcome message by Brgy Chairwoman Domingga Miraflor. Messages of inspiration as well as sharing of experiences and expertise were given by Regional Seaweed Action Officer Mr. Ed Serrano; SEAGRASS President Mr. Red Lasay; Provincial Agriculture Office - Fisheries Division Chief Mr. Serafin N. Lacdang; Castilla Municipal Councilor Vicente Astano; and Cpt Arnel G. Sabas, the Civil Military Operations (CMO) Officer of the 903rd Brigade.

Sangguniang Bayan Secretary and Castilla Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) Mr. Reynaldo C Marchan, gave lecture-demonstration to the participants and likewise discussed the Fisheries Law (RA 8550).

Mr. Amelito M Golloso Sr., Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Sorsogon technical staff, discussed the importance of seaweeds and its  economic value, major aquaculture commodities, seaweeds farming including harvesting and drying, different culture methods, farm maintenance, and major seaweed diseases.

Before the culmination activity, the 903rd Brigade led by Cpt Arnel G. Sabas, conducted a gift-giving activity to the participants.

Meanwhile, 903rd Brigade Commander Colonel Joselito Kakilala said that the skills training and the seminar conducted for the fisher folks will surely add up as an alternative livelihood for the residents.

“The livelihood project will soon be replicated to other coastal areas of the province with the assistance and cooperation of other stakeholders in line with the AFP’s Internal Peace and Security Plan (IPSP)-Bayanihan,” he further said. (Cpt MPPanesa, PA/BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment