PGAD Council TWG Members |
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 28 (PIA) – Simula
bukas ay muli na namang ipagdiriwang ang Buwan ng mga Kababaihan kung saan tema
nito ngayong taon ang “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan”.
Ang Buwan ng Kababihan ay taunang
ipinagdiriwang sa bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 224
s. 1988 na nagdedeklara sa unang linggo ng Marso bawat taon bilang
“Women’s Week” at tuwing ika-8 ng Marso bawat taon bilang “Women’s Rights and
International Peace Day”; Proclamation No. 227 s. 1988 para sa obserbasyon ng buwan
ng Marso bilang “Women’s Role in History Month; at sa Republic Act (RA) 6949 s.
1990 na nagdedeklara sa ika-8 ng Marso bawat taon bilang “National Women’s Day”.
Pangungunahan ng Provincial Gender Advocacy
and Development Council (PGADC) ang simpleng mga aktibidad na gagawin ngayong
Marso.
Sinabi ni PGADC Vice Chair at Sangguniang
Panlalawigan Committee on Women and Family Relations Hon. Rebecca Aquino na sa pagbubukas ng
selebrasyon bukas, isang banal na misa ang gagawin sa Provincial Gymnasium,
Sorsogon City.
Susundan ito ng Zumba Exercise kung saan
inaanyayahan din ang publiko anuman ang kasarian nito na makilahok sa healthy
lifestyle activity na ito na gagawin din sa kaparehong lugar. Maging ang mga
kasapi ng media ay inaasahang aktibo ring makikihataw.
Sa darating na Marso 14, 2013, gaganapin
naman ang “Patiribayan Sa Bulan Nin Kababayihan” na pangungunahan ng Department
of Trade and Industry (DTI). Layunin nitong maipakita ang natatnging galing ng
mga kababaihan sa iba’t-ibang larangan ng kasanayang pangkabuhayan.
May mga pagbisita din sa radyo na gagawin
upang talakayin ang ilang mga mahahalagang isyu ukol sa mga kababaihan at
relasyon sa kani-kanilang mga partner. (BARecebido, PIA Sorsogon)
----------------------------------------------
SORSOGON WOMEN PROMOTES HEALTHY LIFESTYLE BY DOING THE ZUMBA EXERCISE held during the Opening of the Women's Month Celebration on March 1, 2013 at the Provincial Gymnasium, Sorsogon City:
----------------------------------------------
SORSOGON WOMEN PROMOTES HEALTHY LIFESTYLE BY DOING THE ZUMBA EXERCISE held during the Opening of the Women's Month Celebration on March 1, 2013 at the Provincial Gymnasium, Sorsogon City:
No comments:
Post a Comment