Thursday, February 28, 2013

Selebrasyon ng Buwan ng Kababihan opisyal nang sisimulan bukas


PGAD Council TWG Members

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 28 (PIA) – Simula bukas ay muli na namang ipagdiriwang ang Buwan ng mga Kababaihan kung saan tema nito ngayong taon ang “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan”.

Ang Buwan ng Kababihan ay taunang ipinagdiriwang sa bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 224 s. 1988 na nagdedeklara sa unang linggo ng Marso bawat taon bilang “Women’s Week” at tuwing ika-8 ng Marso bawat taon bilang “Women’s Rights and International Peace Day”; Proclamation No. 227 s. 1988 para sa obserbasyon ng buwan ng Marso bilang “Women’s Role in History Month; at sa Republic Act (RA) 6949 s. 1990 na nagdedeklara sa ika-8 ng Marso bawat taon bilang “National Women’s Day”.

Pangungunahan ng Provincial Gender Advocacy and Development Council (PGADC) ang simpleng mga aktibidad na gagawin ngayong Marso.

Sinabi ni PGADC Vice Chair at Sangguniang Panlalawigan Committee on Women and Family Relations Hon. Rebecca Aquino na sa pagbubukas ng selebrasyon bukas, isang banal na misa ang gagawin sa Provincial Gymnasium, Sorsogon City.

Susundan ito ng Zumba Exercise kung saan inaanyayahan din ang publiko anuman ang kasarian nito na makilahok sa healthy lifestyle activity na ito na gagawin din sa kaparehong lugar. Maging ang mga kasapi ng media ay inaasahang aktibo ring makikihataw.

Sa darating na Marso 14, 2013, gaganapin naman ang “Patiribayan Sa Bulan Nin Kababayihan” na pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI). Layunin nitong maipakita ang natatnging galing ng mga kababaihan sa iba’t-ibang larangan ng kasanayang pangkabuhayan.

May mga pagbisita din sa radyo na gagawin upang talakayin ang ilang mga mahahalagang isyu ukol sa mga kababaihan at relasyon sa kani-kanilang mga partner. (BARecebido, PIA Sorsogon)

----------------------------------------------

 












SORSOGON WOMEN PROMOTES HEALTHY LIFESTYLE BY DOING THE ZUMBA EXERCISE held during the Opening of the Women's Month Celebration on March 1, 2013 at the Provincial Gymnasium, Sorsogon City:



No comments: