LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 26 (PIA) –
Isasagawa ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng GIZ o
German Agency for International Cooperation, Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon
at Pamahalaang Bayan ng Juban at Irosin sa Pebrero 28, 2013.
Ang MOA ay kaugnay ng proyektong Local
Flood Early Warning System (LFEWS) na ilalagay sa kahabaan ng Cadac-an River sa
bayan ng Irosin at Juban sa Sorsogon na pinondohan ng GIZ sa tulong ng iba pang
mga international donors.
Ang Cadac-an River ang isa sa mga
sinusubaybayang ilog sa lalawigan ng Sorsogon lalo na kung nagkakaroon ng mga
sunud-sunod na pag-uulan o kung may bagyo dahilan sa posibilidad ng pag-apaw
nito.
Sa tala ng Sorsogon Provincial Disaster
Risk Reduction Office (SPDRRMO), sakaling magkaroon ng mga pagbaha, maaaring
maapektuhan ang siyam na mga barangay sa Juban habang 21 na mga barangay naman
sa bayan ng Irosin. Kapwa mahigit sa tatlong libong mga pamilya sa bawat bayan
ang maaari namang maapektuhan.
Ito ang dahilan kung bakit naging
prayoridad ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon at ng GIZ ang nasabing mga
lugar.
Samatala, inaasahang darating sa Sorsogon
si Ginoong Olaf Neussner, ang Disaster Risk Management Sector Chief ng GIZ para
sa nasabing primahan ng MOA.
Ang GIZ ay isang internasyunal na
organisasyong pagmamay-ari ng German Federal Government na nagpapatupad ng
iba’t-ibang mga uri ng proyekto sa mahigit 130 bansa sa buong mundo.
(BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment