Last year's participants to the PBN's Fun Walk |
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 26 (PIA) –
Bilang suporta sa adhikaing magkaroon ng maayos at mapayapang halalan sa
darating na Mayo 2013, isang aktibidad na tinaguriang “Walk for Life, Walk fro
Love Year II – A Walk for an Honest, Orderly and Peaceful Elections” ang
gaganapin sa lungsod ng Sorsogon sa Sabado, Marso 2, 2013.
Pangungunahan ang Fun Walk ng PBN
Broadcasting Network, Inc. at ng PBN Foundation, Inc. sa pakikiisa at
pakikipagtulungan nito sa Comelec Sorsogon, DepEd City Schools Division at
Sorsogon Police Provincial Office.
Ayon kay Andy Espinar, Station Manager (SM)
ng PBN-DZMS radio station Sorsogon, magtitipon-tipon ang mga lalahok sa
Provincial Capitol Park alas singko ng umaga sa Sabado, at sabay-sabay na
maglalakad patungong Sorsogon City Hall Grounds sa Brgy. Cabin-an, Sorsogon
City.
Dagdag pa ni SM Espinar na maliban sa
kanilang adhikaing pukawin ang kamalayan ng publiko na makiisa at suportahan
ang pagkakaroon ng malinis, maayos at mapayapang halalan sa Mayo 2013, isa din
itong hakbang upang matulungan ang mga kababayang nasalanta ng kalamidad sa
Mindanao.
Lahat umano ng malilikom na halaga mula sa
mga lalahok at mga sponsor nito ay gagamitin para sa rehabilistasyon ng mga
nabiktima ng bagyong “Pablo” sa Compostela Valley.
Matatandaang ito ang pangalawang
pagkakataong magsasagawa ang PBN ng Fun Walk kung saan noong nkaaraang taon ay
nakapagbigay sila ng dalawang housing unit sa naapektuhang pamilya ng bagyong
“Sendong”, maliban pa sa naipamahagi nilang relief goods at ngawang feeding
activity sa Cagayan De Oro City.(BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment