PENRO
Masbate masigasig ang pamamaraan sa NGP
LUNGSOD NG LEGAZPI, Pebrero 25 – Isang
daang porsyento ang ibinubuhos ng Field Office ng Department of Environment and
Natural Resources sa Masbate sa pagpapatupad ng National Greening Program o
N-G-P sa isla probinsiya.
Sinabi ni Provincial Environment and
Natural Resources Officer Tito Migo ng Masbate na sa ganitong pamamaraan higit
nagiging mataas ang kalinangan ng mga stakeholders tungkol sa N-G-P.
Tatlong pamamaraan ang isinasagawa ng PENRO
Masbate upang makamtan ang maayos na pagpapatupad ng programang reforestation
sa nasabing probinsiya ayon kay PENRO Migo.
Una, ang pagsasagawa ng kampanya sa
impormasyon at edukasyon tungkol sa NGP, pangalawa ang pagbibigay ng pabuya sa
mga people’s organization (PO) at pangatlo, ay ang pagtatag ng maigi at malusog
na nursery.
Sa kaparaanang pagpalaganap ng kaalaman,
sinabi ni Migo na masidhi ang nagiging kampanya ng mga tauhan ng PENRO na
nagbubunga ng pagtaas ng kaalaman ng iba’t-ibang stakeholders sa usapin ng NGP.
"Ang mga tauhan ng DENR lalo na ang
mga extension officers ay nasa labas upang ipaliwanag sa mga stakeholders ang
programa para nag-iisip ang stakeholders na seryoso talaga ang opisina sa
programa ng ating gobyerno” ayon sa kanya.
Ipinaliwanag niya na mahalaga ang
pagbibigay pabuya sa mga PO upang masigurong mapapangalaan ng husto ang mga
naitanim na punong kahoy maging ang mga binhing nasa nursery.
Ayon din kay Community Environment and
Natural Resources Officer Gerry Arena ng Mobo, ang pagtatag ng magandang
nursery ang siyang susi ng matagumpay na pagpapatupad ng NGP kung kaya ang
kanyang opisina ay gumagawa ng mga kaparaanan na maitaguyod ang kooperatiba na
siyang nangangalaga ng mga nursery ng probinsiya. (RFMendones, DENR-V/PIA
Sorsogon)
----------------------------------------------
Kababaihan
pangunahing natutulungan ng NGP sa Masbate
LUNGSOD NG LEGAZPI, Pebrero 25 – Lubusang
natutuwa ang mga kasaping kababaihan sa Bagong Sirang Multipurpose Cooperative
o BAMCO, isang People’s Organization ng Aroroy, Masbate sa tulung na naibibigay
sa kanila ng National Greening Program o N-G-P.
Sinabi ni Ligaya Cabatingan ng BAMCO na
kahit di sila nakapag-aral nabibigyan silang pagkakataong maghanap-buhay sa
pamamagitan ng pag-potting o paglalaan ng lupa sa mga sisidlan.
Ayon pa sa kanya kumikita karamihan sa
kanila ng apat na daang piso bawat araw sa pamamagitan lang ng pag-potting at
pagpupunla.
“Malaking tulong sa tulad naming mga babae
ito dahil nakakabili na kami ng bigas, ulam tapos ang mga anak namin na dati di
nakakapag-aral naka-aral na ngayon dahil sa programang NGP” aniya.
Ipinaliwanag pa ni Cabatingan na
nagsisilbing isang mainam na pagkakataon para sa mga walang gaanong
pinag-aralan ang N-G-P gawa ng patas na pagbibigay trabaho sa lahat ng
karaniwang mamamayan. RFMendones, DENR-V/PIA Sorsogon)
1 comment:
IWAN KO ANG AABOT NG 10 PERCENT ANG TOTAL AREA NA MERONG TANIM NAGSASAYANG LANG NA PERA ANG GOBYERNO. BAT D NYO SUBUKAN BISITAHIN YONG FIELD
Post a Comment